Naniniwala ka ba sa at love at first sight? Alam mo ba ang pinagkaiba ng crush sa gusto at gusto sa mahal? Paano mo ba malalaman kapag gusto mo na ang isang tao? Sapat na ba 'yung palaging tingin ng tingin ka sa kanya? O kaya hinahanap hanap mo siya? Tipong hindi ka mapapakali kapag hindi mo siya nakikita sa loob ng isang araw? Eh, paano mo naman masasabi kung mahal mo na ang isang tao? Sapat na rin ba 'yung parang tumitigil ang mundo mo at bumabagal ang lahat tuwing makikita mo siya? Tapos bumibilis ang t***k ng puso mo? At anytime parang sasabog na? Hay. Ang sarap ma-inlove. Tumitig ako sa katabi ko ngayon at napangiti. Katabi ko ngayon ang lalaking bumago at nagparamdam sa 'kin kung paano magmahal. Ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso ko. Ang lalaking nagpaniwala sa 'kin