CHAPTER TWENTY-ONE Czarina “IKAW BA ang bagong girlfriend ni Kuya Clarence?” Natigil ako sa pagkain nang marinig ang tanong na iyon. Nang linungin ko naman upang sinuhin, sumalubong sa akin iyong mga mata na kapares ng mga mata ni Clarence at Dean. She looked like a doll. Not only because of her semi-blonde hair but the way she present herself. Naalala ko na nabanggit ni Jeni na may model na parte ng mga De Luna. Siya na ba iyon? “Ay, sorry. Ako nga pala si Maddison. Noelle Maddison De Luna. Ako ang bunso at only girl sa pamilya namin.” Napatango ako. “Czarina. Czarina Guevarra. Ako ang assistant ng mga kuya mo.” “All of them?” “No. Sina Atty. Thirdy lang at Clarence. I mean, Atty. Clarence.” Maddison chuckled softly. “Okay lang na huwag mo muna sila tawaging attorney. Wala naman