CHAPTER TWENTY Czarina PAGDATING ko sa suite, naroon si Clarence at halatang ako ang hinihintay niya. Hindi ko alam kung bakit siya narito ngayon gayong may condominium unit siya kung nasaan ang mga anak niya. Meron din siyang malaking bahay kung nasaan ang hobby niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong kung nomad ba siya o trip niya lang na bantayan ako kahit nagkita naman kami sa opisina kanina. "Kinulit ka ba ni Thirdy?" tanong niya nang dumaan ako sa kanyang harapan. That's the only way I can use to go to my room. At akala ko hindi niya ako papansinin pero nagkamali ako. Nangunot ang noo ko nang sa wakas ay naintindihan ko ng mas mainam iyong tanong niya. "Paano mo nalamang kasama ko si Atty. Thirdy?" May third-eye ba siya? O 'di kaya - "He texted me." Naalis iyong kaisipan na ba