MALAWAK ang ngiti ni Justin habang pinapanood si Shine na masayang nagtatampisaw sa dagat. Malakas na tawa ng dalaga ang namamayani sa dalampasigan na nakikipagsabayan sa ingay ng alon na tumatama sa tabing-dagat. At natagpuan na lang niya ang sariling sumasabay sa pagtawa nito habang pinapanood ang babaeng nilalaman ng puso niya, ang babaeng iniibig niya, ang babaeng magiging asawa niya at magiging ina ng magiging mga anak nila. "Ayaw mo bang maligo? Samahan mo ako rito," nakangiting anyaya ni Shine at tumatawang lumayo siya sa baybayin nang sabuyan siya ng tubig ng dalaga. "Later, honey. Nag-e-enjoy pa akong panoorin ka," nakangiting wika ni Justin na ikinasimangot ni Shine pero nagpatuloy din naman sa pagtatampisaw at agad na muling bumalik ang ngiti sa labi nito. Habang pinagmamasda