Kabanata 33

1936 Words

MALALIM ang iniisip ni Justin habang abala siya sa pagluluto ng almusal. Medyo marami ang niluluto niya dahil walang pasok sa trabaho sina Dark at Light. Maaga siyang nagising kaya wala pa ang dalawa sa kusina na kadalasan ay tambayan ng mga ito sa umaga. Iniwan naman niyang mahimbing na natutulog si Shine sa silid nito. Bumuntong-hininga siya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Shine ang gagawin niyang pag-alis. Ayaw niyang umalis at iwanan si Shine pero kailangan siya ng mga magulang niya. Kritikal ang kondisyon ng mga ito dahil nasangkot ang mga magulang niya sa isang car accident. Iyon ang masamang ibinalita sa kanya ng pinagkakatiwalaan ng mga magulang niya sa kompanya. Kailangan niyang bumalik sa ibang bansa sa lalong madaling panahon pero hindi niya magawang sabihin iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD