ILANG araw ang mabilis na lumipas subalit hindi pa rin nagkakaroon ng lakas ng loob si Justin para sabihin kay Shine ang kanyang gagawing pag-alis. Hindi siya makahanap ng magandang pagkakataon dahil lagi siyang pinangungunahan ng emosyon. Alam niyang sobrang masasaktan si Shine at iyon ang pumipigil sa kanya. Bukas na ang alis niya kaya kahit mahirap ay kailangan na niyang sabihin kay Shine ang lahat. Wala rin namang pinagkaiba kung ililihim pa niya dahil kailangan rin naman nitong malaman ang nangyari sa mga magulang niya lalo na ang gagawing pag-alis niya. Masasaktan at masasaktan din ito sa bandang huli kahit itago niya nang itago. Sa ilang araw na lumipas ay sinulit na lang ni Justin ang mga huling araw na nasa tabi pa siya ni Shine. Walang gabi na hindi niya ito pinagmamasdan haban