Kabanata 35

2822 Words

HALO-HALO ang emosyong nararamdaman ni Justin habang hinahaplos ang tiyan ni Shine na kasalukuyang mahimbing pang natutulog sa tabi niya. Halos kalahating oras na siyang gising at nakukuntento sa ginagawang pagtitig sa magandang mukha ng kasintahan habang hinahaplos ang tiyan nito. Malungkot siya sapagkat dumating na ang araw ng pag-alis niya pero kahit papaano ay naging panatag ang loob ni Justin dahil sa naging pag-uusap nila ni Shine kahapon. Pero mas nangingibabaw ang ibang emosyong nararamdaman niya kumpara sa lungkot dahil hanggang sa mga oras na iyon ay halos hindi pa rin siya makapaniwala na nagdadalang-tao si Shine... magiging ama na siya. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman niya kagabi nang malamang dinadala ng babaeng pinakamamahal niya ang kanilang magiging anak at pansamanta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD