EVANNA looked around the room she and Adam used to share, it stayed the same, nothing was changed. Isang linggo na mula nang makabalik siya sa hacienda. Naka-usap at nakasama na uli niya ang kanyang pamilya. Nasiyahan ang mga kapatid niyang malaman na may pamangkin sila. Saglit ding bumalik si Anton para lang makita at mayakap siya. Bumalik na ito kahapon sa Maynila dahil hindi naman bakasyon. Alam niya, walang pagbabago sa kanyang ama, lalo na nang malaman nito na may anak sila ni Adam. Lalo pa nga itong nasiyahan at agad inungkat kung paanong magiging tagapagmana ito ng ari-arian ng hacienda Joaquin. Pero hindi katulad ng dati, hinayaan lang niya ito, nakinig at tinanggap ang pang-aangkin sa kayamanang hindi naman para rito. Hindi pa rin siya sigurado sa damdamin. Ngayong nakabalik na