"PASENSIYA ka na, anak. Pinigilan ako ni Angelo na itago ang anak mo." Pag-aalala ng matandang ginang. "Iwanan na ho muna ninyo kami, 'Nay Alicia." Walang ngiting pakiusap ni Evanna. Samantalang si Adam ay hindi tuminag sa kinatatayuan, habang tutok na tutok ang buong atensiyon sa kanyang asawa't sanggol na kalong nito. Nagkakakawag ang sanggol sa pagkakabalot sa tela. Wala nang nagawa si Evanna kung hindi ang alisin iyon, naiinitan marahil ang anak niya. Gayong nakita naman na ni Adam ang kanyang itinatago, wala nang dahilan pa para itanggi niya ang sanggol. Nilapitan ni Evanna sa kinatatayuan si Adam, habang ang huli ay sa sanggol natutok ang mga mata. Huminto si Evanna sa harapan ni Adam. "Malaki ang naitulong sa akin ng mag-ina. Maaari mo ba silang gantihan sa ginawa nilang pagtulo