Hindi na maganda ang amoy dito sa loob ng kanyang bahay dahil ilang araw na niyang napapabayaan. Natural! Hindi nga niya maayos ang kanyang sarili, itong bahay pa kaya niya! Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig. Siya nama’y nangangayayat na’t humahaba na rin ang mga balbas, lumalalim ang namumula-mulang mga mata, at parang ang laki ng itinanda niya kumpara sa kanyang edad. Paano ba naman kasi’y wala siyang tamang pagkain dahil wala siyang gana, walang sapat na tulog at pahinga dahil sa stress at overthinking. “What are you doing here, ma? Pa’no ka nakapasok?” “Hindi na important kung paano akong nagka-access dito sa condo mo. Ang mas importante’y ikaw, Callix. Alam mo bang nag-aalala ang mama mo sa ‘yo, ha!” Nanahimik siya. “Kung hindi pa ‘ko tinawagan ni Benedict telling me na hin

