“Ben, nagmamagandang loob lang ako! It’s your birthday! Ayokong matatapos ang gabing ‘to na malungkot ka at nagdaramdam sa isa nating kaibigang hindi sumipot kaya ginagawa ko lahat para lang ma-convince si Avi na pumunta kahit na last hour na!” “Sinabi ko na nga’ng ayos lang at huwag na tayong umasa kaya tumigil ka na sa panay na pag-text at pagtawag sa kanya!” Hindi na niya kinaya ang bigat sa dibdib at tuluyang kumawala ang matinding sama ng loob. Napatayo na rin siya. “Ano ba talaga ang gusto mong sabihin at iparating sa akin, ha! Alam kong may kinalaman na naman ito sa aming dalawa ni Aubrey at kung gaano ka katutol na i-pursue ko ulit ang ina ng anak ko! Diretsuhin mo na lang ako, Ben, at huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa! Ano? Gusto mong sabihing huwag ko nang ipagpilitan at ipagsi

