EVERY night, I cry myself to sleep within the two years of sorrow and misery with the pain of totally losing Rael. Bakit ba kasi kung kailan napawalang-sala siya't napalabas ng kulungan ay saka naman siya agarang kinuha at binawi mula sa akin? Siguro nga ito na ang greatest punishment and karma ko sa pagiging masamang babae sa pamamagitan ng pakikipag-secret affair kahit pa committed na ako sa iba, at sa pagiging masamang nobya kay Rael sa ilang beses na pang-iiwan ko sa kanya sa ere. Another ordinary boring day in life has passed... Nag-uumagahan kami sa hapag at si Gracee ay panay ang bida sa kanya umanong boyfriend na nasa abroad. Lately kasi, panay ang bida at kuwento niya sa amin na a year ago may nakilala daw siya sa isang social media app. Nagkamabutihan daw sila, and pinoy din da

