"HAPPY birthday, ate Francine!" Yes, you heard it right. Lumipas na naman ang mga araw hanggang sa dumating ang isang malaking araw sa aking buhay bawat taon--ang aking kaarawan. For the past two years, pinipilit ko ang magpakasaya para sa mga taong nasa paligid ko to celebrate and always prepare something grant and special for me, pero kahit na tumawa, ngumiti at magpakaligaya man ako habang kaharap ko sila, things will never be the same again... palagi nang may kulang, palagi nang may mga sana. At 'yon ay dahil sa pagkawala ni Rael... "Thank you! Maraming salamat sa inyo!" nakangiti at nagagalak kong pasasalamat sa kanila. Si mommy tulad ng lagi ang naghanda at nagluto ng mga pagkain, at kumpleto kaming muli sa hapag ngayon. Alam nilang hindi na ako bumabata at habang nadadagdagan a

