Nuon ako tuluyang natigilan at hindi nagsalita. Ang aking ina... ang mommy kong araw-araw na gumigising sa umaga at walang ibang ginawa sa bawat araw ng buhay niya kundi mahalin at arugain ako... "Isipin mo naman ako, anak! Mommy mo ako! Nandito pa ako, at hinding-hindi kita iiwan! Kung may isang taong hinding-hindi ka iiwanan at tatalikuran gaano pa man kabigat ang kasalanan at pagkakamaling ginawa mo, ako 'yon, anak, kaya isipin mo naman ako! Kung tatakasan mo sa ganitong paraan ang sakit na nararamdaman mo, sa tingin mo ba hindi mo maipapasa sa akin ang sakit na nararamdaman mo kapag sa harap ng dalawang mga mata ko mismo tatapusin mo 'yang buhay mo?! Para sabihin ko sa 'yo, Francine, 'yang sakit na nararamdaman mo ngayon, wala pa 'yan sa kalingkingan ng sakit na mararamdaman ko bilang

