(Francine) NGAYON ang araw ng kasal ni Rael, at matatapos na rin ang lahat. Matatapos na sa wakas ang sakit at hirap na dinadala ko... Umakyat ako sa silya at hinawakan ang lubid na nakataling maigi sa ceiling upang siyang magsilbing bibigti sa akin... I smiled in mixtures of pain, misery, and finally the joy of finding my way to escape all of these... to escape this harsh, painful world! Inalala ko ang huling mga sandali when Rael tried to converse with me bago ang kasal niya ngayong araw... I was in my room that moment tapos nakita kong tumatawag siya sa cellphone ko. Naghalu-halo ang nararamdaman ko― tuwa dahil kahit papaano'y naalala niyang tawagan ako, at pait at sakit dahil alam kong 'yon at 'yon na rin ang huli at magpapaalam na siya dahil magpapakasal na sila ni Gracee. I

