Hindi ko na nagugustuhan talaga ang tono niya, bukod sa apurada ay parang iniinsulto at minamaliit na din niya kami! Gayunpama'y pinilit ko pa rin ang aking sarili na maging kalmado at makipag-usap sa kanya ng maayos, ipaintindi sa kanya na ang gusto niya'y malabo na nga naming magagawa pa dahil bukod sa hindi na kakayanin ng enerhiya at mga katawan namin ng team ko sa maghapon ba namang pagtatrabaho ay wala na ring sapat na oras. Buti sana kung minor adjustments lang ang gagawin at pwede pang isali ang another petty suggestions niya pero hindi eh. Her suggestion is a major case that needs a major action. Bukod sa maggagabi na, kahit umagahin pa kami dito ng mga kasama ko'y hindi na rin talaga kakayanin kung isisingit pa ang major suggestion niya. Lahat ng pagtitimpi ko'y naubos din nang

