"Mama? Papa?" maang na tanong ni Miguel sa mga magulang.
"Ito ang katotohanan sa ating buhay, Miguel. Wala kaming balak ipaalam iyan sa iyo dahil ang nais namin ay mamuhay ng maayos kasama kayo ni Sofia." Wala na ring nagawa si Mrs Fernandez kundi ang umamin.
"Tama ang Mama mo, anak. Hindi tayo mga normal na tao. We are half human, half vampires, and dragons. Your mother is the sole heir of Aragons, and I am living dragon heir." Dagdag pa ng kaniyang ama.
Subalit dahil wala siyang maunawaan sa mga sinasabi nila ay umiling-iling siya.
"Nasa modernong mundo na po tayo, Mama, Papa. Maaring sabihin n'yo na lamang po na hindi totoo ang lahat?"
Dahil na rin sa ayaw magsumiksik sa isipan ang narinig mula sa mga magulang ay iyon ang nanulas sa labi niya.
"And why should we do that, son? Maaring nagawa naming inabandona ang tunay na pinagmulan. Subalit kailanman ay hindi namin magagawang magsinungalin sa iyo ng Papa mo, anak. May isip ka na. Laging top-one sa klase ninyo. Kaya't sigurado akong nauunawaan mo ang aming paliwanag," ilang sandali pa ay pahayag ng Ginang.
"Miggy, kagaya nang sinabi ng Mama mo ay matalino kang tao. Ngunit nauunawaan ko rin kung magaya ka sa amin na mas nanaising manatili sa nakagisnan. Pero ito ang nais kong maunawaan at iyong pakatandaan, anak. Maaring maitago mo ito sa ngayon subalit hindi habang-buhay. Gawin mo kaming example ng Mama mo."
Sa kaniyang pananahimik ay nagwika rin ang ama niya. Kaya naman ay mas nawalan siya ng maaring sabihin. Dahil dito ay napaatras siya hanggang sa napaupo siya sa sahig.
"Naalala mo ba ang sunog na maari ninyong ikamatay ng kapatid mo? Ang dahilan kung bakit nalalanta ang mga bulaklak sa tuwing hinaplos ninyo lalong-lalo na kapag may nakakaaway ka sa paaralan? Kung bakit madalas karne ang laman ng refrigerator natin samantalang maari namang may gulay? On how do you handle your fierce temper? You are now a young boy, my son. And I am pretty sure that you can understand what I am trying to say."
Tinig ng kaniyang ama ang bumulabog sa pananahimik.
Kaso!
Pumalahaw sa pag-iyak ang dalawang taong-gulang niyang kapatid.
Hindi lang iyon nagsimulang umingay ang paligid!
"Ito na ang sinasabi namin ng Papa ninyo, anak. Kaya't ayusin mo na ang mahahalaga ninyong gamit."
"Huwag ka ng magtanong, anak. Dahil kailangan n'yong makaalis dito bago pa man nila malamang buhay pa kayong dalawa."
"Ano ba, anak! Kamuhian mo na kami kung gusto mo. Pero hindi kayo makakaalis dito na buhay kung ayaw mong makinig!"
"Hindi n'yo kayang gamitin ang super power n'yong magkapatid. Please, son. Take care of yourself so that you can do it to your sister. Mauunawaan mo rin ang lahat pagdating ng panahon. Go now, Hijo."
"Mama and Papa love you both."
Mga ilan lamang sa pahayag ng mag-asawang Fernandez habang halos ipagtulakan ang panganay na anak. Walang magulang na magnanais ng kasawian para sa mga anak. Kaya't kahit masakit para sa kanilang dalawa ang malayo sa mga ito ay pikit-mata nilang ginawa. Maaring kapwa sila may kapangyarihan ngunit hindi nila maaring isangkalan ang mga anak.
"K-KUNG ganoon, buhay pa ba sila? Paano mo nagampanan ang pagiging magulang sa akin samantalang hindi ka pa teenager noong panahong iyon? Tell me, big brother, are you alright? How did you survive despite everything? Narating mo ang puwestong iyan three years ago. Ah... Can you just say that I'm just imagining things? That is why those dreams are chasing me, please?"
Dahil na rin sa hindi siya makapaniwalang mayroong lihim sa kanilang pagkatao ay nawalan ng preno ang kaniyang bibig. Kaya't dere-deretso ang mga salitang binitiwan. Sa katunayan ay naiwaglit niya ang pangangalamkam ng sikmura. Kaso napaismid siya at napataas ang kilay niya. Dahil sa hinaba-haba ng kaniyang sinabi ay napahalakhak lamang ito. Samantalang mas mahaba pa ang paliwanag nito.
"Huwag mo nang itanong kung bakit ako napahalakhak, Sis. Dahil tandang-tanda ko pa ang reaksyon mong iyan. Walang ipinagkaiba noong dose anyos pa lamang ako," anito saka muling umayos sa pagkaupo.
Dahil napasandal ito sa sofa habang hawak-hawak ang tiyan. Marahil ay sanhi ng naging facial expressions niya.
"Ah, ano ba, big brother. Maari bang huwag kang--- Tsk! Magpaliwanag ka na nga lang, brother kaysa naman manghatak ka ng listeners natin," kibit-balikat niyang sambit.
SAMANTALANG sa tinuran ng kapatid at nag-iisa niyang kapamilya ay unti-unting nagseryoso ang binatang opisyal. Wala ng ibang nakakaunawa sa damdamin nito kundi siya. Dahil karanasan niya ito. Ngunit dahil ayaw din niyang masamain nito ang reaksyon niya ay nagsimula siyang muling magpaliwanag.
"Mahabang kuwento, Sofia. Hindi naging madali para sa tulad kong hindi sanay sa hirap ang maging magulang sa iyo noon. Ngunit hindi ako sumuko dahil alam kong walang ibang magtutulungan kundi tayo. Kahit pa sabihing baby ka pa sa panahong iyon.
Kung natatandaan mo ang matanda na kasama natin noong nasa training ako ay siya ang kumupkop sa ating dalawa. Sa mapaglarong mundo ay mayroong tulad ni Nana Betty na nag-aruga at tumulong sa atin. Huli na ng malaman kong kauri natin siya at mas piniling mamaalam sa mundo kaysa masayang ang sakripisyo ng ating mga magulang. Mabuti lamang at tapos na ang training ko sa military noon at maari ka ng maiwan dito sa bahay ng nag-iisa.
About my men? Most of them are descendants of our Aragon clan (vampires) and Dragons. Kaya't kung napapansin mo ay kahit wala akong salita sa tuwing lihim kang pumaparito ay alam na nila ang ginagawa. Ang iba naman ay ordinaryong tao ngunit mayroong loyalty sa akin at sa bansa. Ngunit wala silang kaalam-alam sa tunay nating pinagmulan. Ibig sabihin ay mga ordinaryong mamamayan.
Ang mga magulang natin? Although, hindi ko na sila nakita pa simula noong pinatakas ako kasama ka ay nabalitaan kong tinupok ng apoy ang dati nating bahay. Sinadya man o hindi ay naibalitang walang nakaligtas sa buong pamilya. Ibig sabihin ay ginawa lahat nila upang mabura ang traces natin sa mundong ibabaw. Upang makapamuhay tayo ng kabilang sa modernong mundo.
And lastly, bilang nag-iisa mong kapamilya ay hindi kita hinayaang naghirap. Kahit pa sa labas ng mansion ka nakatira simula noong nag-aaral ka ng kolehiyo hanggang ngayon. May mga shadows ka kabilang si brother Santi."
Hiningal ako!
Sa hinaba-haba nang paliwanag niya ay halatang walang nanoot sa isipan nito. Ngunit para sa kaniya ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa wakas ay naipagtapat na niya rito ang lihim nilang magkapatid.
'Tsk! Tsk! Sana ay hindi na lang ako nagtanong! Darn! Akala ko ay sa movies lamang mayroong ganoon kaso isa rin pala ako!' Lihim na ngitngit ni Sofia dahil sa nalaman.
"MAHABA nga, brother. Ngunit ang mahalaga ay naliwanagan ang aking isipan. Sinungaling ako kung sasabihin kong tanggap ko na ang lahat, big brother. Ngunit hayaan at bigyan mo ako ng sapat na pagkakataon upang tanggapin ito," ilang sandali pa ay sabi niya.
"No need to rush, lil' sister. Mas mabuti pa kung kalimutan mo na ang tungkol diyan. Dahil kagaya nang sinabi ko ay iyon ang kagustuhan ng mga magulang natin," sagot nito.
Subalit napailing-iling siya. Hindi sa ayaw niyang ibaon sa limot ang nalaman kundi may nais pa siyang gawin o kumpirmahin.
"Nauunawaan ko ang nais mong ipabatid, brother. Ngunit ikaw na rin ang nagpamulat sa akin na walang kasalukuyan kung wala ang nakaraan. Iyan ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nag-asawa? Natatakot ka bang maipasa mo ang lahat sa magiging anak mo?" saad niyang muli.
"Hindi para sa mga tanong mo, lil sister. Dahil wala na tayong magagawa para sa bagay na iyan kundi ang tanggapin. About pag-aasawa ay hindi ako nagmamadali. Kaya't wala pa akong napupusuan sa mga babaeng nakapalibot sa akin. Those women who are chasing me like that madwoman are just seeking fame and power. Hindi naman siguro kaila sa iyo ang kapangyarihan ng isang general---"
Kaso!
Hindi na nito natapos ang pananalita dahil lumapit ang isa nitong tauhan habang sumisigaw ng 'General, reporting!'. Habol-habol pa nga nito ang hininga.
"Go ahead on your report." Tumayo na rin ang opisyal dahil dito.
Ngunit mas nagulantang sila sa ibinalita nito!