CHAPTER FOUR

1378 Words
"ANAK, ano ba ang nangyari? Hindi naman lasenggo ang kapatid mo sa pagkakaalam ko. Ah, maari bang bilisan mo ang magpaliwanag?" Bakas na bakas ang pag-aalala sa boses ni Ginang Cameron. "Mother earth, kung nasa ibang pagkakataon lang sana tayo ay kakantiyawan kita ng bonggang-bongga. Ngunit dahil nandito sa pagamutan si Kuya Santi ay saka na lang," tugon ni Anna Elizabeth. Kaso ang padre de-pamilya naman ang nabagot sa usapan ng mag-ina. Dati na itong general surgeon sa hospital na ipinamana ng hipag sa pinsan. "Kahit may sarili ka ng pamilya kung ako ang tuluyang mainis sa pasikot-sikot mong talumpati ay makakatikim ka ng palo sa akin. Susme, maano bang ipaliwanag mo na lang ng deretsahan kung ano ang nangyari sa Kuya mo," anitong kagaya ng asawang hindi maikaila ang takot at pangamba sa tinig. Kaya naman ay napahagikhik ang doktora. Ngunit dahil ayaw din niyang patuloy na mag-alala ang mga magulang ay mas minabuti niyang magpaliwanag. Well, she is worried just like them. Her patient is her brother at all. "Mommy, Daddy, hindi alak ang dahilan nang pagkabangga ng kotse ni Kuya Santi kundi may nakialam dito. Although I'm a doctor, I have a hint about the reason of this accident. Kilala naman nating lahat kung paano mag-inom si Kuya kaya't hindi maaring idahilan ang alcohol." Siya ang tagapagmana ng Daddy Espanyol nila sa pagiging addicted sa medisina. Ngunit kapwa lawyer naman ng Kuya Santi niya ang mahal na asawa. At isa pa ay hindi naman siya ignorante sa batas. Her brothers injury right at the moment was not caused by any kind of alcohol. She is sure that someone ploted to eliminate him or teach him a lesson. "Kung isa na naman ito sa threats para sa Kuya mo ay isa lang ang iisang grupo lang iyan. I mean, ang may kagagawan. Well, your explanation is enough, Hija. Hindi na bago ang kaganapang iyan sa buhay ng Kuya mo," ilang sandali pa ay wika ng Ginang. "Matagal-tagal na rin ang huling aksidente ng Kuya mo, anak. Ngunit kagaya nang sinabi ng Mommy ninyo ay isang grupo lang iyan. Dahil sa pamilya natin ay siya ang tanging pinupuntirya." Pagsegunda pa ni Ginoong Cameron. Sa pahayag ng mga magulang ay napatango-tango si Anna Elizabeth. Dahil totoo naman ang mga ito. "F*ck! What's going on?" napamurang tanong ni Santi nang makaramdam ng pagkahilo habang nagmamaneho. "No! Hindi ito maari! Nandito pa naman sa akin ang mga ebidensiyang nakalap ng grupo namin!" "D@mn!t! Unbelievable! Laging nasa kundisyon ang sasakyan ko---" Ngunit ang pagsasalita niya mag-isa ay tuluyan ng hindi natapos. Dahil sa kagustuhang makarating sa mataong lugar ay nag-over speeding na siya. Nagawa niya ang nais ngunit naibangga niya sa sementadong poste ang sasakyan. "D@MN YOU, people! Kahit ano man ang gawin ninyo ay hindi kayo magtatagumpay sa inyong binabalak! Maaring hindi ngayon ngunit ipinapasigurado kong wawalisin ko kayong lahat!" Sa kaniyang nanlalabong paningin ay nagawa pa niyang saad. Kaso kung kailan pipikit na ang kaniyang mga mata dulot ng pinaghalong pagkauntog sa loob mismo ng sasakyan at suffocation ay saka naman unti-unting luminaw ang imahe ng isa kaniya. Tuloy! Para siyang sinaniban ng masamang espirito. Nanlalabo na nga ang kaniyang mga mata ngunit nagawa pa niyang hablutin ito. "HEY, man! What the h*ll you are doing? Kanina pa nandito si General Fernandez. Maari bang imulat mo ng maayos ang iyong mga mata kung balak mo ng gumising! Aba'y basta-basta ka na lang nanghahablot!" Pagmulat pa lamang ng kaniyang mga mata ay matinis ng tinig ng mahal niyang ina ang sumalubong sa pandinig niya. 'Ilang araw kaya akong natulog? Aba'y na-miss yata ako ni Mommy na sigawan. Kahit sa harapan ni Miggy ay nagawa pa,' lihim niyang wika sa sarili. "Oh, let him be, Mrs Cameron. Maaring nanaginip ng babaeng hubo't hubad kaya't hinabablot. Sa pag-aakalang nasa panaginip pa siya ay hindi na niya naisip na nasa reyalidad na." Nakatawa pang pagitna ng opisyal. "You have a point, General. Alam kong may pag-uusapan kayo ng baby damulag na iyan. Kaya't maiwanan na muna namin kayo ng Tito Enrico mo. Total ang kapatid naman ang in-charge sa kaniya ay tawagin n'yo na lamang ito kapag aalis na kayo ng mga tauhan mo." "Anak, kung iniisip mong oras ka lang nakatulog ay nagkakamali ka. Miss ka na ng mga taong hina-hunting mo. Dahil isang linggo na simula noong natagpuan ka ng mga otoridad sa crime scene." Pinaglipat-lipat ni Mrs Cameron ang paningin sa opisyal at anak saka bumaling sa asawang dadagdagan pa siguro ang pahayag niya. Ngunit hindi naman kaila sa kaniyang may confidential na pag-uusapan ang dalawa. Kaya't pasimple niya itong kinurot at iginaya sa pintuan. Hindi na nga niya hinintay na makasagot kahit sino sa mga barako! PAGKAALIS ng ina ay namayani ang ilang sandaling katahimikan sa kanila ng opisyal. Idagdag pa ang pag-adjust niya sa hospital bed upang makaupo niya ng maayos. "I'm sorry for this disturbances, General. Even I can not salute you in the proper way," aniya. "No. You shouldn't feel that way, Santi. Hindi ako pumarito bilang isang heneral kundi bilang isang kaibigan. Kaya't maari mong isantabi ang honorific gestures na iyan. Now, tell me, my friend. What happened?" patanong nitong wika. Kaya naman ay muli siyang napahingang malalim bago nagsimulang nagwika. "Kilala n'yo akong lahat pagdating sa driving skills, Miggy. Social drinker din ako. At mas hindi ako reckless driver. I am a lawyer who acts as one. For sure, may nakialam sa sasakyan ko. Dahil basta na lamang itong nawalan ng preno. Even they used a suffocation method. Those devils! Mabuti na lang at nagawa kong pinatakbo ng maayos hanggang nakakita ako ng poste." Sa pagkaalala sa kaniyang sinapit ay napakuyom ang palad niya. Public servants siya. Ginagawa lamang ang tungkulin sa taong-bayan. At kailanman ay hindi siya nagkaroon ng personal grudges sa mga tao. Kaya't sigurado siyang kagagawan ng taong kaniyang hina-hunting sa loob ng ilang taon ang nangyari. "It may be inappropriate to say, but I should still do. Relax and calm down for now. Dahil kasasabi ko lamang na nandito ako bilang kaibigan mo. Tama, magbabayad ng mahal ang mga problema ng bayan lalong-lalo na ang gumawa nito sa iyo. And I will say it too. Bilang isang tagapatupad ng batas ay gagawin ko rin ang lahat para malutas ang kasong ito," saad ng opisyal. "Thank you, Miggy. Ah, kumusta pala ang kapatid mo? It's been a while since the last time I saw her outside your mansion," aniyang muli. "Ah, iyan nga rin sana ang itatanong ko sa iyo, brother. Dahil makalipas ng isang buwang hindi pag-apak sa bahay ay biglang sumulpot. Hindi lang iyon, mukhang may nangyaring hindi maganda habang nasa labas ito. May nalalaman ka ba?" balik-tanong nito. Ngunit dahil talaga namang wala siyang kaalam-alam sa tanong nito ay umiling-iling siya. Gusto nga sana niyang ipagtapat ang tungkol sa nangyari sa kanila. Pero nakaramdam siya ng hiya. At isa pa ay hindi pa niya nakakausap ang dalaga tungkol sa nangyari. "So, kapwa tayo walang nalalaman kung bakit halos ayaw nitong lumabas ngayon sa mansion? Ayon sa katulong ay hinahanap din daw ng co-workers lalong-lalo na sa martial arts centre---" Subalit hindi na natapos ng opisyal ang pahayag. Dahil dumating ang kapatid ng pasyenye o si Anna Elizabeth para sa gamot. Kaya naman ay nagtanguan na lamang silang dalawa. SAMANTALA sa mansion ng mga Fernandez. Kahit ano'ng gawin ng dalaga ay hindi niya mabuksan ang pintuan kung saan siya nakulong. "Kailan pa ako naging preso sa sarili naming pamamahay? F*ck! Hindi pa naman ako nanaginip sa pagkakaalam ko," bulong ng dalaga dahil nagsimula ng tumubo ang kaniyang inis. "Kung totoong half vampire and half dragon kami ni big brother Miggy ay madali lang itong sirain. Ngunit kailanman ay hindi ko nagamit ang aking kakayahan. Apoy at dugo. Madali sana kung noon ko pa nalaman ang lahay," sambit niyang muli. Nagmistula na nga siyang bubuyog na bulong nang bulong dahil dito. Parang nasa training centre na paroo't parito. Kahit ang daliri ay kinagat-kagat na wari'y makakakuha siya ng kasagutan. Muli nga sana niyang kakalampagin ang pintuang mukhang sinadyang isinara sa labas. Ngunit natigilan siya dahil may naulinigan siyang tinig. Kaya naman ay tahimik niyang sinundan ang tinig. Kaso! Napakuyom ang palad niya dahil sa pinag-uusapan ng mga may-ari ng tinig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD