"There is little surprise in my heart that I love you so much; it was something that happened naturally and continues to grow..."
"Bilisan mong maglakad, Roxanne! Baka hinahanap na tayo dun sa bahay. Sabi na kasi, pagkatapos ng isang oras bumalik agad eh!" naiinis na sermon sa akin ni Manay Teresita.
"Eh, ang dami kasing kuwento ni Shawn kaya nalibang ako," katwiran ko naman.
"Oo nga, sa sobrang pagkalibang mo, muntik ka pang magpahalik kung hindi ko pa ian-intercept."
"Kaya nga. Ang KJ mo kaya," sabi ko sa mahinang boses na halos ibulong ko lang sa sarili ko.
Biglang huminto si Manay Teresita sa paglakad kaya bigla rin akong napahinto. Muntik pa nga akong tumama sa likuran niya, mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko.
"Ano?! Sino'ng KJ?"
Nag-peace sign ako sa kanya. Oo nga pala. Iyon ngang nasa isip ko lang nalalaman niya, ibinulong ko pa sa sarili ko. Inirapan lang niya ako at saka nagpatuloy na uli sa paglakad.
Pabalik na kami sa club s***h bahay ni Ramon na nasa may Avenida Rizal, base sa nakita kong sign board sa kalye. Pero ngayon sa panahon namin ay Rizal Avenue na ang tawag doon sa kalyeng iyon. Samantalang si Shawn naman ay pabalik na sa barracks nila sa Intramuros sa mga oras na ito.
Tanaw na namin ang club mula sa kinaroroonan namin ngayon. May mangilan-ngilan pang mga tao na nasa labas ng club. Nagkukuwentuhan. At iyong iba naman ay... naninigarilyo? Uso na rin pala ang sigarilyo sa panahon na ito.
"Rosanna!" tawag ng isang baritonong boses sa pangalan ko, dahil ako si Rosanna sa panahon na ito.
"Naku! Eto na nga ba ang sinasabi ko!" mahinang sabi ni Manay Teresita, pero sapat para marinig ko. May bahagyang pagpa-panic sa boses niya.
Sabay kaming lumingon ni Manay Teresita sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Ramon na papalapit sa amin, kaya huminto kami ni Manay Teresita sa paglakad.
"Saan kayo nanggaling?" seryosong tanong niya sa amin.
"Eh, S-Sir Ramon--"
"Si Rosanna ang tinatanong ko," putol ni Ramon kay Manay Teresita.
Nagkatinginan kami ni Manay Teresita. Agad ko rin namang ibinalik ang tingin ko kay Ramon. Ano ba'ng sasabihin ko?
Sabihin mo, diyan lang sa Plaza Goiti.
Narinig kong utos sa akin ni Manay Teresita sa isip ko.
"Diyan lang. Sa Plaza Goiti," nagawa kong sumagot ng kalmado kay Ramon.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Ramon, at pagkatapos ay ikiniling niya ang ulo niya, habang matamang nakatingin sa akin.
"Anong ginawa n'yo roon?" malamig na tanong ni Ramon.
Duh? Ano ba'ng ginagawa sa plaza?
Roxanne! Sumagot ka ng maayos!
"Namasyal. Nagpahangin. Ang ganda ng buwan ngayong gabi. Di ba, Ramon?" nakangiti kong sa kanya, sabay tiningala ko sa langit kung saan makikita ang buwan.
Pero parang hindi narinig ni Ramon ang sinabi ko. Dahil nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay tuwid pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Bakit kasama mo 'yung sundalong Amerikano?" tanong niya sa malamig pa ring boses.
"Ah! Si Shawn? Bf-- Kasintahan ko na siya!" pagmamalaki kong sabi.
Anak ng...
"Ano?!" madilim ang mukha na sabi ni Ramon.
Bahagya akong natakot sa nakikita kong aura niya ngayon. Pero pinandigan ko na. Hindi ko naman pwedeng bawiin pa ang sinabi ko.
"O-Oo..."
Nakita kong nagngalit ang bagang niya, habang matiim na nakatingin sa akin. Mas lalo nadagdagan ang takot na nararamdaman ko sa nakikita kong itsura ni Ramon. Galit. Lungkot. Frustration. Iyon ang mga nakita ko sa mukha niya.
"M-May problema ba doon, Ramon?" lakas-loob na tanong ko sa kanya.
Hindi ito sumagot agad at nakatingin lang sa akin pero parang tagus-tagusan lang.
"W-Wala!"
Inihilamos niya ang isang palad niya sa mukha niya.
"Ramon? May problema ba?" Ulit ko sa tanong ko sa kaniya kanina.
Nagtanong ka pa!
Pasimple kong inirapan si Manay Teresita dahil sa komento niya.
"Wala. Wala. Sige na. Pumasok ka na sa loob," pagkaraan ay sabi niya.
Hindi ako nakakilos agad. Mula sa takot na naramdaman ko kanina ay bigla akong naawa kayt Ramon. Kung hindi pa ako hinila sa kamay ni Manay Teresita ay hindi pa ako maglalakad.
Medyo nakalayo na kami pero hindi ko natiis na hindi lingunin ang pinag-iwanan namin kay Ramon. Andoon pa rin siya. Nakatayo at nakatingin paharap sa lugar namin ngayon. Naging harsh ba ako sa kanya sa pagsasabi ko ng totoo?
"Bakit mo sinabi kay Ramon na kayo na ni Shawn?" sita sa akin ni Manay Teresita, pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ko.
Naupo ako sa gilid ng kama ko, habang sinusundan ko siya ng tingin papunta sa aparador doon.
"Bakit naman hindi? Malalaman din naman niya di ba. Eh di mabuti nang ngayon pa lang malaman na niya. Tutal dalawang araw na lang naman ako dito," kampanteng sagot ko, habang unti-unti ko nang hinuhubad ang damit na suot ko.
"Dalawang araw??" takang tanong ni Manay Teresita.
Tumigil ako sa paghuhubad at saka siya nilingon. Nakatingin siya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
"Oo. Di ba sabi mo tatlong araw lang ako dito? Naka-isang araw na ako ngayon. So, dalawang araw na lang ang natitira."
Tinampal nito ang noo niya na labis kong ipinagtaka. May kinuha siyang damit, pagkatapos ay isinara na ang aparador at naglakad papunta sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya nang tuluyan sa akin.
Marahas siyang huminga. Para namang may bumundol na kaba sa dibdib ko sa nakita kong reaksiyon niya.
"Tatlong araw nga ang sabi ko. Tatlong araw dun sa panahon mo."
"Ah, naalala ko na! Sampung araw ang katumbas dito ng isang araw doon sa panahon ko. Right?"
Mapagtitiyagaan ko naman ang isang buwan. Mabilis lang naman 'yun.
"Sorry... nagsinungaling ako sa 'yo."
"Ano???!!!"
Napatayo ako sa sinabi niya. Abot-abot na ang kaba sa dibdib ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Manay?" Bahagya na ring napalakas ang boses ko.
"Well... wala ka namang choice.. nandito ka na. Ang tanging pwede mong gawin dito ngayon ay itama na ang dapat itama para makabalik ka na sa mga kapatid mo. Kapag hindi mo iyon naitama, ligwak ganern ka na. Bukod sa stock forever ka na dito sa panahon na ito, ang mga kapatid mo at ang magiging pamilya nila in the future naman ang magdudusa... pero kasi hindi thirty days kang mananatili dito. Three years."
Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
"What?? Tatlong taon ako rito sa panahon na 'to???"
Ginaya ni Manay Teresita ang ginawa ko kanina. Nag-peace sign siya sa akin, sabay sabi ng, "sorry..."
Sakalin ko kaya 'to? Tanong ko sa isip ko.
"Eh di, nawalan ka ng kakampi dito sa panahon na 'to!" mayabang na sagot sa akin ni Manay Teresita, kaya inirapan ko na lang siya nang matalim. Katulad ng sabi niya, no choice naman ako. Nandito na ako sa panahon na ito.
"MANAY, tara na! Alis na tayo."
"Eto na nga oh, natataranta na ako!" sagot niya habang inilalagay sa basket ang mga baon naming pagkain.
Nagyaya kasi si Shawn na mag-picnic kami sa Luneta ngayon. Para daw maiba naman ang pinupuntahan namin at hindi lagi sa Plaza Goiti.
Nalaman ko rin kay Aling tour guide s***h Manay Teresita na yung Plaza Goiti pala ay yung Plaza Lacson sa Sta. Cruz, Manila ngayon sa panahon ko. Nakakatuwa lang na nakapunta ako sa iisang lugar sa magkaibang panahon.
Nakalabas na kami ng kusina ni Manay Teresita, at naglalakad na papunta sa labasang pintuan nang may narinig kaming boses sa likuran namin.
"Uy! Saan ang lakad ninyong dalawa? Magpi-picnic ba kayo?"
Napahinto kami sa paglalakad ni Manay Teresita. Pasimple kaming nagkatinginan, bago ko patay-malisyang nilingon si Ramon. Inihanda ko ang pinakamatamis kong ngiti.
"Magandang umaga, Ramon! Napagpasyahan lang naming mag-picnic sa Luneta," masiglang sagot ko.
"Ibig mo bang sabihin sa Plaza Luneta sa Bagumbayan?" kunot-noong tanong uli ni Ramon.
Mali ba ako? Ano ba kasi ang tama? Luneta o Bagumbayan? Luneta naman, di ba?
Nakaramdam ako ng pagsiko sa tagiliran ko mula kay Manay Teresita.
Agad akong tumango. "Oo! Doon nga!"
Sandaling nag-isip si Ramon.
"Malayu-layo rin iyon dito. Ihahatid ko na kayo," nakangiting sabi niya.
"Oo, Sir Ramon. Sa Bagumbayan nga. Kaya lang... ano kasi..." atubiling sagot ni Manay Teresita.
"Hindi bale na, Ramon. Susunduin naman kami ni-- Shawn...." agaw ko sa gustong sabihin ni Manay Teresita.
Nawala bigla ang ngiti ni Ramon.
"Ganun ba?" pagkumpirma pa niya, pero halata mong nasira na ang mood niya.
"Oo, eh..."
"S-Sige. Babalik na ako sa kuwarto ko. Kukuha lang sana ako ng kape, kaya ako bumaba,"pangangatwiran pa niya.
"Ay sige, Ramon. Ipagtitimpla muna kita ng kape bago kami umalis. Tutal wala pa naman si Shawn," alok ko sa kanya.
"Hindi na. Okay lang," sabi niya na may pagmuwestra pa ng isang kamay, sabay talikod sa amin para bumalik na siguro sa kuwarto niya.
Naiwan kaming dalawa ni Manay Teresita doon sa kinatatayuan namin. Minasdan lang namin si Ramon hanggang sa mawala siya sa paningin namin.
"Ikaw talaga....ang lakas ng loob mong magsalita kay Ramon. Hindi ganyan si Rosanna. Ayaw niyang nasasaktan ang loob ni Ramon," panenermon sa akin ni Manay Teresita.
Umingos ako sa kanya.
"Eh, hindi ako sanay na nagsisinungaling. Saka mabuti na 'yung alam niya ang mga nangyayari, para hindi ganun kalakas ang impact sa kanya kapag nagpaalam na si Shawn sa kanya na ikakasal na kami sa isang taon."
"Ano???!!" nanlalaki ang mga mata na reaksiyon ni Manay Teresita.
"Yup!" kalmado kong sagot sa kanya.
"Bakit hindi mo nabanggit sa akin 'yan? Kailan ninyo pinag-usapan 'yan ni Shawn? Umoo ka?" sunod-sunod na tanong niya.
Lumabi ako sa kanya. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa kanya na niyaya na ako ni Shawn na magpakasala sa kaniya. Pero kasi in-assume ko na lang na naririnig naman niya ang mga usapan namin ni Shawn nung gabing 'yun.
"Nung October 16 din. Hindi mo ba narinig?"
Nagkamot ito sa ulo niya na parang naiinis.
"Ang sabi ko sa 'yo, sagutin mo lang. Wala akong sinabi tungkol sa kasal!'
"Ikaw ang may kasalanan nun, Miss time traveller."
"Ano? Bakit ako?" namimilog ang mga mata na tanong niya sa akin.
"Eh kasi, sabi mo... tatlong araw lang ako rito. So sabi ko... sige, Roxanne.. umoo ka na lang nang umoo. Tutal, next year... sa 1942 wala ka naman na dito.. so ayun, hindi ako kumontra."
Nagkamot siya uli ng ulo niya.
"Oo na. Sige na. Kasalanan ko na! Pero pwede ba... sa susunod... magtanong ka muna sa akin? Pwede po, Miss?" inis na sabi niya.
"Ayan! Dapat ganyan... may heads up," nang-aasar na sagot ko.
Nang may narinig kaming busina ng sasakyan mula sa labas.
"Si Papa S na yata 'yun! Tara na!" aya ko kay Manay Teresita.
Luminga sa paligid si Manay Teresita, bago ako binalingan.
"'Yang bunganga mo, Roxanne!"
Nag-peace sign na lang ako sa kanya.
"Naku!" inis niyang sabi, pero tinawanan ko lang siya.
HUMINGA muna ako ng malalim bago kumatok sa kuwarto ni Ramon. Pero walang nagbukas ng pintuan.
"Ramon?"
Sinubukan ko uling kumatok. Ngunit wala pa ring sumagot mula sa loob.
Ano ba 'yan... bakit hindi sumasagot si Ramon? Galit ba siya sa akin?
"Ramon? Ipapasok ko lang yung kape mo. Papasok na ako ha...." paalam ko sa kanya, at saka ko itinulak nang bahagya ang pintuan. Mabuti na lang at hindi iyon naka-lock.
Nagyaya kasi uli si Shawn na pumunta sa Luneta. Kaya minabuti kong ipagtimpla na muna siya ng kape bago kami umalis ni Manay Teresita, para hindi naman siya masyadong magtampo sa akin.
Bumungad sa akin si Ramon na nakatayo sa bintana patalikod sa akin.
Oh! Nandito lang naman pala siya. Imposible namang hindi niya naririnig ang mga katok ko.
"Ramon, eto na ang kape mo. Inumin mo na habang mainit pa," sabi ko, at saka ko inilapag ang tasa ng kape sa mesitang naroroon sa isang sulok ng kuwarto.
Nailapag ko na at lahat iyong tasa ay hindi man lang ako nilingon o kinibo ni Ramon. Ramdam ko na may tampo siya sa akin base sa ikinikilos niya. Tumikhim muna ako bago nagpaalam sa kanya.
"Aalis na muna kami ni Manay Teresita, Ramon ha... sige."
Humakbang na ako papunta sa pintuan nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Rosanna!"
Huminto ako sa paglakad, at saka humarap sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya. Ilang sandali na akong nakatingin sa kaniya, pero wala naman siyang sinasabi at nakatingin lang sa akin. Mabilis akong nag-isip ng sasabihin para maibsan ang pagka-ilang na nararamdaman ko ngayon.
"May iuutos ka ba? O, gusto mo bang ipagpalaman kita ng tinapay?" tanong ko sa kanya.
"Mahal kita, Rosanna."
Naumid ang dila ko. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Bumuka ang mga labi ko pero agad ko ding isinara.
"M-Matagal na kitang mahal. Noon pa man."
Awa. Iyon ang nararamdaman ko ngayon para kay Ramon. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Rosanna...." muling tawag sa akin ni Ramon. Mukhang tama nga si Manay Teresita. Mahirap saktan si Ramon. Puro kabutihan kasi ang ipinapakita niya.
Nang bigla akong may narinig na sunud-sunod na tunog ng busina sa labas.
"A-Aalis na muna kami. Nandiyan na si Shawn," biglang sabi ko kay Ramon, at saka ako nagmamadaling lumabas na ng kuwarto niya.
~CJ1016