“It is sad not to love, but it is much sadder not to be able to love...”
"My love?"
Nilingon ko si Shawn. Matiim siyang nakatingin sa akin. Lalo na ngayong tumingin ako sa kanya. Tila pilit niyang binabasa ang mukha ko.
"Yes?"
"Is there something wrong?" may pag-aalala sa mukha na tanong ni Shawn.
"What? No. Umm... There's nothing wrong."
Nandito kami uli ngayon sa Plaza Luneta sa Bagumbayan. Nakaupo kami sa inilatag na banig sa damuhan, habang si Manay Teresita naman ay inilalabas iyong mga baon naming pagkain mula sa basket na dala-dala namin.
Kakasikat lang ng haring araw kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat nito.
"You're so quiet since I fetched you from your home," sabi pa ni Shawn.
Pinilit kong ngumiti kay Shawn.
"No... I am just sleepy. That's all..." katwiran ko.
"Is that the real reason?" paniniguro ni Shawn sa dahilan ko.
Pilit pa rin nyang binabasa ang mukha ko kaya nilaparan ko pa ang pagkakangiti ko.
"Yes."
"Okay. Wait. I forgot something from the Jeep. I'll just get it," paalam niyam at saka naghanda nang tumayo mula sa pagkakaupo.
"Okay!" pinasigla ko ang boses ko sa sagot ko sa kanya, para hindi na siya mag-isip ng kung ano.
Mabilis siyang tumayo, at saka halos patakbo na bumalik sa owner Jeep na dala namin na hiniram niya sa barracks nila.
"Psst! Huy! Ano bang nangyari kanina? Sabihin mo na!"
Agad na nakalapit sa akin si Manay Teresita pagkalayo nang konti ni Shawn.
"Manay... nagtapat na po si Ramon ng totoo niyang nararamdaman sa akin," malungkot kong sabi dito.
Nakita ko ang pagkalito sa mukha ni Manay Teresita.
"Oh? Eh... nabanggit ko naman na sa 'yo dati pa 'yun di ba? Kaya nga sa kanya ka makakasal. I mean si Rosanna."
"Alam ko..."
"Oh, anong problema kung ganun? Saka hindi ikaw ang sinabihan. Si Rosanna. Lagi mong tatandaan 'yun, para hindi ka naaapektuhan nang ganyan."
"Alam ko naman 'yun. Pero ang hirap din pala. I mean... iyong ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa? Iyong alam mong hindi niya masusuklian 'yung pagmamahal mo..."
Huminga nang malalim si Manay Teresita.
"Apo ka nga ni Rosanna... iisa ang ugali ninyo. Pero, Roxanne... ipapaalala ko lang uli sa 'yo, ha... hindi mo pwedeng gawin ang pagkakamaling ginawa ni Rosanna. Kung hindi... alam mo na ang mangyayari sa 'yo. Paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo ito. Dumating man ang oras na magkahiwalay tayo dito sa panahon na ito at hindi na kita magabayan, dapat tama ang magiging desisyon mo," mahabang paliwanag ni Manay Teresita.
Agad naman akong naalarma sa sinabi niya.
"Manay?! Anong sinasabi mong maghihiwalay tayo?! Hindi pwede 'yun, 'noh! Hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko!"
"Oh, kalma. Ayan na si Shawn. Pabalik na dito," pasimpleng bigay babala niya sa akin.
Lumingon ako sa gawi kung saan manggagaling si Shawn. Nakita kong nakangiti siya sa akin habang naglalakad palapit. Sinuklian ko rin siya ng ngiti. Kung uso na ang model sa panahon na ito, papasa agad itong si Shawn. Bukod sa guwapo na, ang ganda pa magdala ng military uniform. Anong sinabi ng mga Korean actors sa mhga K-drama na pinapanood ko? Taob sila dito kay Shawn!
"My love..."bungad ni Shawn sa akin nang makalapit habang nakasuksok 'yung isang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.
"Yes?" nakatingala, habang nakangiti kong sagot sa kanya.
Lumuhod siya sa harapan ko at saka inilabas sa bulsa niya ang isang maliit na kahon na kulay pula. Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa pagluhod ni Shawn at sa kahong ipinakita niya.
"I will be leaving soon for the U.S. So, I thought I would give you something. So that you will not forget me and you will always remember me..."
Naman... akala ba ni Shawn madali lang kalimutan ang isang hunk na tulad niya?
Bahagya akong nagulat nang binuksan ni Shawn ang hawak niyang maliit na kahon. Kahit alam kong hindi naman talaga para sa akin iyon ay nakaramdam pa rin ako ng excitement para makitsa ang lama nun. Namilog ang mga mata ko nang inilabas niya mula sa kahon ang isang singsing.
"This is my promise ring for you," sabi niya habang hawak ang singsing at nakataas sa pagitan naming dalawa.
Simple lang iyon. Meron lang isang katamtamang bato na nakabaon sa gitna.
"I promise to come back soon. To marry you and to love you eternally," pahabol pa niyang sabi, at saka isinuot sa daliri ko ang singsing.
Napaawang ang mga labi ko.
"Fo-For me?"
Iyon ang unang lumabas sa mga labi ko nang makabawi ako sa pagkabigla.
Malamang, Roxanne! Alangan namang para sa akin.
Umeepal ka na naman, Aling Tour Guide! Iirapan ko na sana si Manay Teresita, pero nakuha ni Shawn ang atensiyon ko nang bahagya siyang tumawa.
"Yes! For you! You, crazy woman.."
Umiling-iling pa siya, habang malapad na nakangiti. Masusi naman akong nakatingin sa singsing sa daliri ko.
"Don't you like it?"
Agad na lumipad ang tingin ko kay Shawn.
"No, Shawn... No... I-- actually, I love it!" sagot ko sa kanya.
Malapad ang ngiting niyakap ako ni Shawn. Wala sa loob na gumanti rin ako ng yakap sa kanya.
F na F, Roxanne?
Hindi ko na pinansin ang komento ni Manay Teresita. Hindi ko na rin pinag-aksayahan ng panahon na sagutin. Ewan ko ba! Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko sa mga oras na ito, kahit alam kong ako si Roxanne at hindi naman ako si Rosanna.
Pakiramdam ko kasi talaga, ako talaga si Lola Rosanna sa mga oras na ito. Na ako talaga ang girlfriend ni Shawn at hindi ako nagpapanggap lang.
Bumitaw si Shawn mula sa pagkakayakap sa akin. Nakangiting tinitigan niya ako.
"Speechless?" panunukso pa niya sa akin.
Bahagya akong natawa, at saka nakangiting tumango. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang kilig na nararamdaman ko sa ngayon. Masuyong hinawakan ni Shawn ang isang pisngi ko.
"I love you, my love... I promise to make you happy..." sabi pa niya sa akin.
"I love you too, Shawn! I promise to wait for you," buong katapatan kong sagot sa kanya.
"Eherm! Hey, lovers! Let's eat first."
Sabay kaming napalingon ni Shawn kay Manay Teresita.
"Okay...let's eat!" nakangiting sagot ni Shawn, sabay dampot ng dala naming thermos at saka ng walang laman na tasa.
Pero ako? Nakangiti rin naman ako. Pero plastic!
Umepal ka na naman, Aling tour guide! Panira ka ng moment...
Nakakapagtakang hindi ako sinagot ni Manay Teresita sa isip ko, pero kita ko ang nakakalokong ngiti niya habang inaabot niya sa akin ang tasa ng mainit na kape.
Hmp! May araw ka rin sa 'kin.
GANOON ang naging routine namin ni Shawn habang naririto pa siya. Tuwing araw ng Huwebes, pagkatapos ng pagkanta ko sa club ay maglalakad kami papuntang Plaza Goiti. Magkukuwentuhan ng mga nangyari sa amin sa buong lilnggo, o di kaya ay mag-uusap ng kung ano-ano lang. Ang mahalaga lang sa amin ay magkasama kami.
Kapag Sabado naman, bago sumikat ang araw ay sa Plaza Luneta naman kami pumupunta. O kung hindi man kami makaalis ng Sabado ay magkasama naman kaming magsisimba sa araw ng Linggo.Gusto kasi naming sulitin ang ilang linggo na magkakasama kami bago siya umalis pauwi sa Amerika. Halos lahat ng malapit na simbahan sa bahay ni Ramon ay napuntahan na namin, pero mas madalas kami sa San Agustin church. Ang pinakamatandang simbahan daw dito sa Pilipinas, sabi ni Manay Teresita. Wala nga dito si Alex, nandito naman si Manay Teresita para mag-History 101 sa akin.
Samantalang si Ramon ay halos hindi ko na nasasalubong sa bahay. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba o sinasadya ba ni Ramon na iwasan ako. Sa totoo lang, hindi mahirap mahalin si Ramon. Kahit na ganoong ilang taon ang tanda ng edad niya, hindi iyon magiging sagabal iyon sa kung sino mang babaeng magmamahal sa kanya.
Teka muna. Di ba sabi nga ni Manay Teresita ay ako ang babaeng magiging asawa ni Ramon? Pero paano mangyayari 'yun?
MARAHAN akong yumukod, sa kabila ng malakas na palakpakan ng mga nanonood. Oo. Huwebes ngayon. Kaya may kanta ako dito sa club ni Ramon. At araw din ng pagkikita namin ni Shawn.
Kaya hindi na ako nagtagal sa stage. Nagmadali na akong bumaba ng stage. Paniguradong nakatayo na iyon mula sa kinauupuan niya kanina, at malamang ay palabas na ng club sa mga sandaling ito para pumunta na sa tagpuan namin.
"Rosanna!"
Kabababa ko lang mula sa stage at papunta na sana ako sa labas para katagpuin si Shawn nang marinig ko ang boses ni Carmen.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko siyang nakangiti, habang nakatingin sa akin. Pero iyong klase ng ngiti niya, iyong ngiting pang-showbiz.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
Paindayog siyang naglakad palapit sa akin. Suot-suot na niya ang costume niya para sa dance number niya mamaya.
"Balita ko... may nobyo kang Kano ah!" nakangiting sagot niya.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. Nakakapagtakang sa dalas naming magkasalubong dito sa may stage, eh ngayon lang ako nito pinansin. Kailan pa naging concern sa buhay ko itong babaeng ito?
"Oo. Si Shawn," matapang kong sagot.
"Mmmm..." nakangising tumango-tango siya, "nakabulag ka pala?"
Hindi ko maintindihan kung biro ba iyon o panlalait, pero pinili ko na lang na huwag na lang siyang pansinin. Tumalikod na ako at saka humakbang pero may pahabol pa itong sinabi.
"Pakasalan mo na agad, para dalhin ka na sa Amerika!" malakas niyang sabi.
Huminto ako sa paglakad, nilingon ko si Carmen, at saka mataman siyang tiningnan. Pero nilaparan lang niya ang ngisi niya, at saka parang nakakaloko na kinindatan ako.
Minabuti kong huwag na siyang pagtuunan ng pansin. Sayang lang ang oras ko sa kanya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa palabas dito sa club. Nasalubong ko naman si Manay Teresita, na mukhang nag-aalala.
"Bakit ang tagal mo?" tanong agad niya sa akin pagkalapit niya.
Nagkibit-balikat ako, bago sumagot.
"Hinarang ako ni Carmen."
"Ha? Bakit daw? Ano'ng kailangan niya sa 'yo?"
"Wala. Nagtanong lang kung totoo ba na boyfriend ko na si Shawn. Uso na rin pala ang maritess sa panahong ito, ano?"
Pero hindi pinansin ni Manay Teresita ang sinabi ko.
"Wala nang ibang tinanong sa 'yo? 'Yun lang?" Sa halip ay iyan ang isinagot niya sa akin.
"'Yun lang. Sabi niya, pakasalan ko na raw agad si Shawn, para dalhin na raw ako sa Amerika."
Sumilip si Manay Teresita sa likuran ko. Para siguro hanapin doon si Carmen. Sandali lang iyon, at pagkatapos ay binalingan na niya uli ako.
"Huwag kang nakikipag-usap diyan kay Carmen. Delikado. Baka may masabi kang ikapapahamak mo."
"Katulad ng?"
"Basta! Saka mo na itanong 'yan. Naghihintay na panigurado si Shawn dun sa may tulay," sagot niya, at saka nauna nang naglakad sa akin palayo.
HABANG palapit nang palapit ang pag-alis ni Shawn ay napupuno ng lungkot ang dibdib ko. Actually, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Hindi naman talaga ako si Lola Rosanna. Hindi ko dapat nararamdaman ang ganito. Hindi ako dapat nagi-invest ng emosyon para kay Shawn. Pero bakit ganito??
Pinagmasdan ko ang singsing na bigay ni Shawn na nasa daliri ko. Pakiramdam ko ay itong singsing na ito ang koneksiyon naming dalawa ni Shawn.
Mayamaya ay tumingala ako sa langit. Pinagmasdan ko ang bilog na bilog na buwan.
"Alam mo, Roxanne... may napapansin ako sa 'yo."
Napalingon ako kay Manay Teresita, na abala sa pagpagpag ng mga unan at kumot ko sa kama.
"Ano 'yun?"
"Masyado nang hulog ang loob mo kay Shawn. Paalala lang... Baka magkaproblema ka, kapag dumating na 'yung panahon na maghihiwalay na kayo."
"Ha? H-Hindi, 'noh!" sagot ko sa kanya, sabay balik ng tingin ko sa labas ng bintana.
"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling, Roxanne?"
Agad na lumipad ang tingin ko kay Manay Teresita. Nakita ko na nakapameywang ito, habang mataray na nakatingin sa akin.
"Sinong nagsisinungaling? Hindi ako, 'noh!" pagkontra ko naman sa kanya.
"Okay, fine! Kung hindi ka nagsisinungaling... sige nga! Mula nang dumating ka dito sa 1941, kailan huling sumagi sa isip mo si Perry?" balik-tanong niya sa akin.
Napakurap-kurap ako habang nakatingin lang kay Manay Teresita.
~CJ1016