19 - ESCOLTA

2480 Words
"There is one pain I often feel, which you will never know. It's caused by the absence of you..." Ito na yata ang pinakamalungkot na araw ng Huwebes sa panahon ko dito sa nakaraan. Ngayon kasi ang huling araw na magkakasama kami ni Shawn. Bukas na ang alis niya papuntang US. "Hey! Don't sulk like that, my love..." Naramdaman ko na lang ang daliri ni Shawn sa baba ko, habang pilit niyang pinapa-angat ang mukha ko para tingnan siya. "It's not like I will not coming back here," nakangiti niyang sabi. "Thursdays and Saturdays will not be the same without you here," sagot ko sa kanya. "Hey! One month is just only four Thursdays and four Saturdays. I'll try to keep you posted. I will send letter to you whenever possible. I just have to update some papers in my military service and visit my mother there. I will also introduce you to her. Her future daughter-in-law." Inirapan ko si Shawn sa narinig kong sinabi niya. "How can you be so sure that your mother will approve of me? I am just a Filipina." "Hey! Do not put yourself down. You are not just a Filipina. You are more than that. Always remember that. I want you to be always proud of yourself. And besides, there will be no problem with my mother. Just be yourself, Rosanna. That will be all," paliwanag pa ni Shawn. "But for now, all I want for you to do is to smile," dagdag pa niya. Wala akong nagawa kung hindi ngumiti nga kay Shawn. "There! That will be the prettiest smile I will be bringing with me on my travel," nakangiting komento ni Shawn. "Hus! Bolero!" wala sa sariling sabi ko, sabay irap sa kanya. "I'm not!" nakangiti pa rin na sagot ni Shawn. "Really? What does bolero means if you really know what I mean?" "That I am a sweet talker. No, i'm not! I mean what I say." Nakangiting tinaasan ko siya ng isang kilay. "Really?" "Yup! I will not propose marriage to you if I am not serious, you know." "Oo na. Naniniwala na ko. I believe in you." "When I'm away, just entertain yourself. Keep strolling at the Luneta, like we always do. Go with Manay Teresita at the Escolta, and shop there. I will give you money so you can buy what you want." "Oh, no. It's not necessary. And I think I do not have anything to buy. We will just go there to window shop." "No. I want to give you a part of my income. I will be happy if you will let me do that. If you think you have nothing to buy, so be it. Just keep the money." Sasagot pa sana ako pero nagulat na lang ako nang kunin ni Shawn ang isang kamay ko at ipilit doon ang isang manipis na bungkos ng US American dollars. Namilog ang mga mata ko. "That's for you, my love." "This is for me?" pag-ulit ko lang sa sinabi niya. Mula sa pagkakayuko ko at pagkakatingin sa perang nasa palad ko ay nag-angat ako ng tingin kay Shawn. "What if you give it to me when you come back?" "I will give you another one again when I come back. So, just keep that for now." "This is too much. I--" "Might as well save it. Who knows? We may need it for ur wedding here in the Philippines... and in the U.S.." Namilog ang mga mata ko. Ganito talaga kaseryoso ang Amerikanong ito sa akin? I mean, kay lola Rosanna? "Why?" natatawang tanong ni Shawn. "Are you that serious? We will wed here and in the U.S.?" "Yeah! I am planning to quit the military and have a peaceful life with you. But it's up to you if you want to go to teh U.S., or stay here. Any of the two will be fine with me." Wala sa loob na napayakap ako kay Shawn. "Oh, Shawn!" Naramdaman ko ang pagyakap din sa akin ni Shawn. "All for you, my love," narinig kong bulong sa akin ni Shawn. "Oh, kalma... nake-carried away ka na naman..." Palihim akong umismid. Kahit kailan itong si Manay, kontrapelo talaga! ITINUPI ko uli ang isang sulat ni Shawn kay Lola Rosanna na hindi ko pa nabasa mula nang dumating ako dito sa panahon na ito. Actually, marami-rami pa ang hindi ko nababasa sa mga sulat. Pero dahil umalis na si Shawn at wala na akong masyadong gagawin kung hindi ang pagkanta sa club ni Ramon, matatapos ko na sigurong basahin lahat ng mga natitirang sulat. Biglang may kumatok sa pintuan, kaya dali-dali kong isinusi ang lock ng drawer. Nagpatulong ako kay Manay Teresita na lagyan ng lock iyong drawer ni Lola Rosanna, dahil dito ko na rin inilagay iyong pera na ibinigay ni Shawn sa akin bago siya umalis. "Sino 'yan?" malakas na tanong ko pagkatago ko sa susi sa ilalim ng katreng higaan ko. Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Manay Teresita. "Oh? Bakit hindi ka pa nakabihis? Di ba at pupunta tayo sa Escolta ngayon?" tanong niya sa akin. Sumimangot ako. Wala kasi ako sa mood umalis. "Eh, Manay. Necessary pa ba 'yun? I mean, hindi ako interesadong magpunta dun. Sa panahon ko nga hindi naman ako nagpupunta sa lugar na 'yun. So, ano'ng relate kung magpupunta ako doon ngayon dito sa panahon na 'to?" "Alam mo, mabuti na rin yung may alam ka sa mga lugar dito ngayon. Magkaroon man ng emergency, may alam kang puntahan. Hindi mo masabi. Hindi 'yung itong club lang ang alam mo at 'yung plaza." "Alam ko naman 'yung Luneta, ah! Ay, Bagumbayan pala," "Basta. Makinig ka na lang sa akin, okay? Saka, para na rin malibang ka. Hindi 'yung nagmumukmok ka lang dito sa kuwarto. Ano 'yun? Isang buwan ka magmumukmok habang hindi pa bumabalik si Shawn? At saka, wala kang karapatang malungkot at magmukmok ha... hindi ikaw 'yung girlfriend ni Shawn, fyi lang." "Oo na. Saka hindi naman ako nagmumukmok! Okay lang ako dito," pagkontra ko sa sinabi niya. "Naku! Don't me, Roxanne. Alam ko lahat ang laman niyang isip mo." inirapan ko siya nang matalim. "Basa ka kasi nang basa ng isip ng iba, eh! Alam mo bang invasion of privacy na rin 'yang ginagawa mo?" "Invasion of privacy... hayaan mo, kung 'yan ang gusto mo, eh di hindi ko na pakikialaman 'yang isip mo." Napatayo ako sa tuwa. "Talaga?" masayang pagkumpirma ko kay Manay. "Oo. Kung 'yun ang gusto mo." "Okay. Tara na! Alis na tayo. Magbibihis lang ako, tapos bababa na ako." "Sige," maiksing sagot ni Manay Teresita, tapos ay naglakad na papunta sa direksiyon ng pintuan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pintuan. Himala yata? Pumayag siya agad sa gusto ko? Binalewala ko na lang iyon at saka nagbihis na ako. Nung una, nakakatihan ako sa mga tela ng mga damit na isinusuot ko dito, pero nasanay na rin ako sa katagalan. Ang nami-miss ko lang talaga ay ang magsuot ng pantalong maong. Puro kasi bestida lang ang mga damit dito. Parang laging may pupuntahang handaan. Katulad ngayon, pupunta lang kami ng Escolta, pero dress pa ang OOTD ko. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin, bago ako lumabas na ng kuwarto ko. Naabutan ko sa ibaba malapit sa hagdan si Manay Teresita. "Tara na, Manay!" yaya ko sa kanya. "Saan ang lakad, Rosanna?" Namilog ang mga mata ko pagkarinig ko sa boses ni Ramon. Nandito pala siya sa tagong bahagi kaya hindi ko siya nakita nang pababa na ako ng hagdan. Itong si Manay Teresita, hindi man lang ako winarningan sa isip ko! "Ah, Ramon! Diyan lang sa Escolta. Magwi-- magtitingin-tingin lang kami ni Manay Teresita." Sasabihin ko sanang magwi-window shopping, pero baka hindi ako maintindihan ni Ramon. "Matagal na kitang niyayaya doon, ah." "Ah, kasi..." Ano ba ang idadahilan ko kay Ramon? Mabilis kong nilingon si Manay Teresita para magpasalo sa kanya sa isasagot ko. Pero ang bruha, patay-malisya lang na nag-iwas ng tingin sa akin. Grrr! So, no choice ako, kung hindi sagutin si Ramon on my own. "Ano, kasi... naiinip kasi ako. Kaya naisipan ko lang pumunta doon. Kasama ko naman si Manay Teresita," sagot ko kay Ramon, sabay tingin ko kay Manay Teresita pero sa ibang direksiyon pa rin siya nakatingin. "Ganun ba? Kayong... kayong dalawa lang ba? Pwede ko kayong ipagmaneho," sabi pa ni Ramon. "Ah--" "Good morning, everybody!" Sabay-sabay kaming napatingin sa direksiyon ng pintuan. Nakangiting pumapasok doon si Carmen. Hmp! If I know, si Ramon lang naman talaga ang nginingitian niya, hindi ako kasali. Tandang-tanda ko pa iyong mga sinabi niya sa akin dito sa club nung huling beses. Apaka-bitter ng babadeng 'to! "Carmen? Bakit maaga ka yata ngayon?" tanong sa kanya ni Ramon. Alas-diyes pa lang kasi ng umaga. At karaniwang mga alas-singko o alas-sais dumadating si Carmen dito para sa pagbubukas ng club. "Ramon dear..." lumapit si Carmen kay Ramon, at saka humawak sa braso nito, "di ba sasamahan mo ako dun sa kakilala mong modista? Nakalimutan mo na ba?" Tinampal ni Ramon ng isa niyang malayang kamay ang kanyang noo. "Ay, oo nga! Paumanhin, Carmen. Nawaglit sa isip ko. Mabuti na lang at dumating ka agad. Sasamahan ko sana sila Rosanna sa Escolta ngayon." Tumingin sa akin si Carmen, at saka plastic na ngumiti. "Bakit? Ano'ng meron sa Escolta ngayon?" tanong niya sa akin, tapos ay tumingin siya kay Manay Teresita. Nagkibit-balikat ako. "Wala lang! Simpleng pasyal lang." Tumango-tango si Carmen. "Akala ko may baratillo ngayon doon kaya kayo pupunta. Baka lang kasi nakahingi ka pala ng dolyares doon sa nobyo mong Kano bago umalis, kaya kayo mamimili sa Escolta." "Hindi ko ugali ang manghingi. May kiinikita naman ako dito sa club ni Ramon." "Naku! Dapat hiningian mo ng dolyar! Baka pagbalik nun dito, wala na 'yung pera at naibigay na lahat sa pamilya niya doon sa Amerika. Sige ka..." "Huwag mo nang sagutin 'yan... hahaba lang ang usapan ninyo..." Napasulyap ako kay Manay Teresita. Hmp! Hindi ka rin makatiis na hindi sumabat eh, noh? Ganun nga ang ginawa ko. Sa halip ay kay Ramon ako bumaling. "Sige na, Ramon. Mauuna na kami ni Manay Teresita umalis." "Ah, Rosanna. pwede ko kayong isabay--" "Huwag na, Ramon. Baka makaabala pa kami sa inyo ni Carmen, at hindi ninyo abutan iyong modista. Sige na. Tutuloy na kami," tumalikod na ako at saka naglakad, "tara na, Manay," yaya ko kay Manay Teresita pagtapat ko sa kanya. Hindi ko na sinulyapan man lang si Carmen. Pero narinig kong tinawag niya ako. "Ah, Rosanna?" Wala akong choice kung hindi huminto sa paglakad at lingunin siya. "Hindi ka ba nag-aalala na baka may pamilya na iyong nobyo mo sa Amerika, kaya siya umuwi doon?" Sarkastiko akong ngumiti kay Carmen, bago ako sumagot sa kanya. "Hindi. Parang ikaw yata ang nag-aalala, Carmen. Bakit kaya? Natitipuhan mo rin ba ang nobyo ko?" Napaawang ang mga labi ni Carmen sa sinabi ko sa kanya. May sasabihin sana siya pero inunahan na siya ni Ramon. "Sige na, Rosanna. Umalis na kayo para makabalik din kayo agad." Bahagya akong tumango kay Ramon. "Aalis na kami, Ramon." Iyon lang at tumalikod na ako sa kanila ni Carmen. Tuloy-tuloy na kaming naglakad palabas ni Manay Teresita derecho sa labas at naghintay ng trambiya para sakyan papuntang Escolta. "Halatang nagulat si Carmen sa pagsagot mo. Hindi kasi palasagot si Rosanna. Kung si Rosanna iyon, tatahimik na lang iyon, at saka aalis." "Ha? Hindi ko ba dapat ginawa 'yun?" "Okay na rin. Bakasakaling tigilan ka na ni Carmen. Nagtataka lang ako sa babaeng iyon, dati okay lang na asarin ka niya nang asarin. Dahil kay Ramon. Pero ngayong tahasang alam na nila na nobyo mo si Shawn, nakakapagtakang hindi ka pa rin niya tinitigilan." "Hmp! Hayaan mo na nga 'yun! At least, kahit papaano, naiganti ko na si Lola Rosanna sa pambu-bully niya. Eto na ang trambiya, Manay!" "Excited lang? Parang bata?" "Siyempre! Ngayon lang ako makakasakay dito. At sino pa bang ibang tao ang makaka-experience sumakay dito?" Kaya mula sa pagsakay namin ni Manay Teresita sa trambiya hanggang sa makarating kami sa Escolta ay nakangiti lang ako sa karanasan kong ito. "NANDITO na tayo," mayamaya ay anunsiyo ni Manay Teresita. Huminto ang trambiya sa kanto ng isang kalye. Nauna nang bumaba si Manay Teresita, kaya sumunod na ako agad sa kanya "Maglalakad lang tayo nang kaunti papasok doon," turo niya sa isang katamtamang kalye. "Ang Escolta ang merong pinakamatandang kalye dito sa Pilipinas. Pinaniniwalaang ginawa ang mga kalyeng ito noon pang 1594, panahon ng pananakop ng mga Kastila." "Wow! Para uli tayong nage-educational tour. Balik ka uli sa pagiging tour guide?" pabirong sabi ko sa kanya. "Para naman hindi sayang ang pagpunta mo dito at para may natutunan ka naman," tila naiinis na sagot sa akin ni Manay Teresita. "Grabe siya sa akin, oh! Sige na nga. Para may pantapat na ako kay Alex. Go, tuloy ang educationall tour natin!" Inirapan muna ako ni Manay Teresita, bago nagpatuloy sa litanya niya. "Ang mga traders na Intsik at Indiano, dito nagpupunta para magbenta ng mga produkto nila, Itong Escolta rin ang naturingang commercial district nung mga panahong iyon, dahil nandito noon ang pinakamatataas na mga building kumpara sa Makati ngayon, o BGC. Nandito rin noon ang Manila Stock Exchange. Pero pagdating ng 1960, ang Makati na ang naging commercial establishment. Nagsulputan na kasi doon ang mga bagong building at naiwan na ang mga lumang building dito sa Escolta. Pero kung pupunta ka ngayon sa Escolta sa panahon mo, makikita mo na nandoon pa rin ang ilan sa mga building na ito ngayon. Ipangako mo sa akin, pagbalik mo doon, yayayain mo si Alex sa Escolta para tingnan itong sinasabi ko." "Oo ba! Maliit na bagay..." "Tara dito, may ipapakita ako sa 'yo." Hinila niya ako papunta sa isang mataas na building. "Eto. Itong building na 'to ang dating opisina ng DZBB. Iyong radio station ng GMA-7. Alam mo ba 'yun?" "Oo naman. Ha? May DZBB na noong 1941?" "Hindi. 1950 palang sila nandito. Ipinakita ko lang sa 'yo ngayon. Maliban na lang kung gusto mo pang bumalik pa dito sa 1950," nagbibirong sagot sa akin ni Manay Teresita. "Uy! Ano 'yun? Time traveller na rin ako? Tama na 'tong 1941. Ang daya mo nga, eh. Akala ko ba sa 1945 ako babalik? Bakit naging 1941?" "Saka mo na malalaman kung bakit. Tara na doon!" sagot niya, sabay hila na naman sa akin. "Ito. Ito ang SM noong araw dito sa Escolta, ang Heacock's Department Store. Amerkano rin ang may-ari nito. Tara! Baka may magustuhan ka. Libre ko na sa 'yo para may souvenir ako sa pagpunta mo rito. Mamaya, dadalhin kita dun sa pinakasikat na ice cream parlor dito." Nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng department store na iyon. Manghang-mangha ako sa nakikita ko. Pakiramdam ko ay nasa loob lang ako ng isang panaginip. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD