8 - WARNED

2011 Words
"Maybe I was destined to forever fall in love with people I couldn't have..." ["Nakasakay na ako sa bus, Ate. Kapag pauwi na kami mamaya, tatawag uli ako sa 'yo. Diyan na ako dederecho sa ospital, tutal naman, rest day kami bukas."] "Alexandra, mag-behave ka diyan, ha. Huwag maharot!" bilin ko pa. ["Hala! Lagi naman akong behave, ah."] "Oo na. Sige. Anong ibinaon mo? Hindi na kita naipagluto," malungkot na sabi ko. Nakaka-frustrate na hindi ko naasikaso ang kapatid ko ngayon. ["Don't worry, Ate. Dinalhan ako ni Kuya Perry ng baon ko. Mukhang masarap, eh! Siya yata ang nagluto. Saka mga imported na chips!"] Bakas ko sa boses ni Alex ang tuwa. "Hay naku, Alexandra..." ["Sorry na, Ate... eto naman. Ngayon lang naman ako makakatikim ng mga ganitong imported. Pagbigyan mo na ako. Sige na. Paalis na 'tong bus, Ate. Ikumusta mo ako kay Kuya Lucas, ha....babay!"] Pinatay ko na ang tawag ko kay Alex. Ngayong araw ang field trip niya. Hindi ko na pinayagang sumama sa kanya si Perry. Pakiramdam ko masyado na kaming abusadong magkakapatid sa kanya. Pero hinayaan ko na lang si Perry na pabaunan si Alex. At saka, alam ko namang hindi gagawa ng hindi maganda si Alex sa field trip nila. Talagang hilig lang talaga ng batang 'yun ang mga historical na mga bagay at mga lugar, kaya pinagbigyan ko na. ALAS KUWATRO na ng hapon. Siguro naman sa oras na ito ay pabalik na sila Alex galing ng educational tour. Kung bakit ba kasi nakahiligan pa ni Alex sa sumali sa club na 'yun. Kung saan-saang historical places ang pinupuntahan ng club nila. Inabangan ko na ang text o tawag ni Alex. Paniguradong anumang oras ay tatawag na 'yun. Pero nagdaan na ang dalawang oras ay wala pa rin akong natatanggap na tawag o ni text man lang. Napaisip tuloy ako. Na-low batt kaya 'yung cellphone ni Alex? Nang biglang may kumatok sa pintuan. Bigla akong kumalma. Si Alex na siguro 'to! Pero bigla nitong iniluwa si Perry. "Perry!" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Lucas. Agad akong tumayo para salubungin siya. Pero nakakapagtaka ang seryoso niyang mukha. Hinila niya ako sa labas ng kuwarto ni Lucas. "Bakit?" tanong niya sa akin na tila naalarma. Ramdam ko na pinagtitinginan kami ng mga nurse sa kalapit na Nurse Station, pero binalewala ko lang ito. Oo nga pala, 'yung anak ng may-ari nitong hospital ang kaharap ko ngayon. "Ano'ng bakit?" balik-tanong ko kay Perry. "Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?" Malalim akong huminga. "Pasensiya ka na. Nag-aalala kasi ako kay Alex. Wala pa siya. Wala ring tawag o text." "Baka naman na-low batt lang. Wait. Try kong tawagan," sabi ni Perry, sabay dukot sa telepono niyang nasa bulsa. Hinintay kong matawagan niya si Alex, pero binalingan niya ako agad. "Low batt nga siguro. Can not be reached, eh. Puntahan ko na lang sa school, mabuti pa," mungkahi pa niya. Agad naman akong naalarma. "Naku! Huwag na. Baka magkasalisi lang kayo," pagkontra ko sa sinabi niya. "Okay lang naman. Para sigurado lang tayo. Para sa peace of mind mo. I-text mo na lang ako kung sakaling dumating na si Alex dito." Nahihiya man, pero dahil na rin siguro sa desperasyon ko sa sitwasyon, kaya napapayag ako ni Perry. "S-Sige." "Kumain na kayo ni Lucas. Tirhan mo na lang ako," sabi ni Perry, sabay abot sa akin ng paper bag na hawak pala niya kanina pa. Wala na akong nagawa kung hindi sundan ng tingin si Perry habang naglalakad papunta sa elevator. Bigla akong nakaramdam ng awa para kay Perry. Lahat ay ginagawa niya para sa akin, pero hindi ko man lang masuklian ito. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Malamang hindi pa kumakain si Perry, base sa sinabi niyang tirhan na lang namin siya ng pagkaing dala niya, pero napasubo na naman siya sa akin at sa pamilya ko. Pinauna ko na pinakain si Lucas. Hihintayin ko na lang si Perry at Alex para sabay-sabay na kaming kumain. Pero nakaidlip na ako ay hindi pa rin dumarating maski isa sa kanila. Mahimbing na rin ang tulog ni Lucas. Napatingin ako sa relo ko sa braso. Alas-nuwebe na pala ng gabi? Bumangon ako. Dinampot ko ang telepono ko, at tiningnan kung may tawag o text doon mula kay Alex o kay Perry. Pero wala. Sinubukan ko uling i-dial ang number ni Alex, pero recording lang ang sumasagot sa akin. Naku, Alex ka.... hindi mo ba naisip na mag-aalala ako? Saka naman biglang tumunog ang tiyan ko. Nagugutom na ko. Bigla kong naisip si Perry. Nasaan naman kaya iyong lalaking 'yun? Hindi na rin nagparamdam sa akin. Naisipan kong tawagan si Perry. Ida-dial ko na sana ang number ni Perry nang bigla siyang pumasok sa kuwrto. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya, kaya bigla akong kinabahan. Ganunpaman, pilit ko pa ring pinakalma ang sarili ko. "Perry? Anong--" Mabilis na nakalapit sa akin si Perry. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, at saka ako bigla akong pinatayo mula sa sofa at hinila palabas ng kuwarto. "Saan tayo pupunta?" kinakabahan ko nang tanong. "Roxy, nakita ko na si Alex," sagot ni Perry, pero nakakapagtakang sa halip na saya ay takot at pag-aalala ang nasa mukha niya. "A-Asan siya Perry?" Hindi nakasagot agad si Perry, kaya tinawag ko uli ang pangalan niya. "Perry!" "Actually... nagawan ko na ng paraang mapadala siya rito sa hospital." Napakunot ang noo ko. Parang hindi agad nag-sink in sa utak ko iyong sinabi ni Perry. "Napadala dito??" ulit ko pa sa sinabi niya. "Naaksidente 'yung bus nila. Nung kinuha siya ng resident ambulance namin, wala siyang malay. Sa ngayon nasa E.R. pa siya and--" Hindi ko na masyadong naiintindihan 'yung mga sinasabi ni Perry. Pahina nang pahina ang boses niya sa pandinig ko. Hanggang sa nakikita ko na lang na bumubuka ang mga labi niya, pero wala na akong naririnig. Pagkatapos ay parang may maitim na usok na umikot ikot sa akin. Ano'ng nangyayari? Dala ba ng gutom ko 'to? Hanggang sa totally na nagdilim na ang paningin ko, at wala na akong alam sa nangyayari sa paligid ko. Naramdaman ko na lang ang mga matipunong braso na sumalo sa akin. Iyon lang ang huling naalala ko. "HUWAG mong sabihing hindi kita binalaan." Pamilyar iyong boses na 'yun sa pandinig ko. Pero ako ba ang kausap nung boses? Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Aling tour guide, s***h time traveller. Wait! Nasa Intramuros na naman ba ako? Napabalikwas ako ng bangon at saka nagpalinga-linga. Nasa isang kuwarto ako at may nakakabit na suwero sa kamay ko. Mukha namang nasa hospital ako. Wait! Si Alex... "Nandito ka pa rin sa hospital. Nawalan ka ng malay kanina nang malaman mong naaksidente ang bus na sinasakyan ng kapatid mo." Napatingin ako kay Aling tour guide. Ngayon ko lang napansin na nakabihis siya ng uniform na pang-nurse. "Huwag kang mag-alala. Okay naman ang lagay ni Alex." Hindi na ako nagtaka sa sagot niya. Naalala kong nababasa niya ang nasa isip ko. Dahan-dahan akong nahiga uli nang marinig ko na okay naman si Alex. "Binasa mo na naman ang laman ng utak ko," walang sigla kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa talento niyang iyon. "At saka, anong ginagawa mo rito sa hospital? Paano mo palang nalaman na hinimatay ako? Stalker na ba kita ngayon?" sunod-sunod na tanong ko. "Hindi ako stalker. Ilang beses ko bang sasabihin sa yo na--" "Na time traveler ka," salo ko sa sasabihin pa niya. Hindi na siya sumagot, pero inismiran niya ako. "Mabuti naman at hindi mo ako pinapunta sa Intramuros ngayon," sarkastiko kong sabi sa kanya. "Hindi ako ang dahilan ng paglalakbay mo sa nakaraan. Si Shawn ang tumatawag sa 'yo mula sa nakaraan. Pasalamat ka pa nga at sinasamahan kita kapag tinatawag ka niya," pagtatanggol pa niya sa sarili niya. Huminga ako nang malalim. "Mabuti naman. Salamat sa pagsama mo." "Parang hindi naman sincere iyung pasalamat mo," sagot niya sa akin, kaya tiningnan ko siya at saka inirapan. "Binalaan na kita, Roxanne. At saka, take note. Hindi ka titigilan ni Shawn. Maniwala ka sa akin. Tingnan mo ang nangyari kay Lucas. Tapos ngayon kay Alex." "Coincidence lang ang lahat," pagkontra ko sa kanya. "Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?" Sasagot sana ako pero biglang bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan ko. "Perry!" Napatingin ako kay Aling tour guide. Tiningnan din siya ni Perry, bahagya pa ngang kumunot ang noo ni Perry sa kanya. "Are you feeling okay now?" tanong ni Perry sa akin habang naglalakad palapit sa kama ko. "Oo. Okay na ko. Si Alex pala?" balik-tanong ko. "So far, stable na siya. Okay naman ang result ng x-ray at MRI niya. May ilang bali lang sa braso at binti pero okay na siya. Hindi pa siya nagigising, pero sabi ni Phoemela normal lang daw yun. Na-trauma kasi ang katawan niya. Need lang niya ng pahinga. Masuwerte siya at ganun lang ang pinsala niya." "Salamat naman," taos sa puso na sabi ko. Hindi sinasadyang napalingon ako kay Aling tour guide, s***h time traveller, na ngayon ay nurse na rin. Nakatingin din siya sa akin na may halong pagbibigay babala. "Ang mabuti pa, kumain ka muna, tapos sasamahan kita kay Alex," sabi ni Perry. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang mukha ni Perry. Halata na agad ang tumubong bigote at balbas sa mukha nito. Panigurado rin na napuyat ito kagabi sa pag-asikaso kay Alex, base sa itsura niya ngayon. Bigla na naman akong nakaramdam ng hiya kay Perry. "Perry... nakakahiya na talaga sa 'yo..." Bahagya siyang ngumiti. "Huwag mo na munang isipin 'yan. Kumain ka nang marami para lumakas ka. Kailangan mong magpalakas. Hindi na pwedeng pahima-himatay, ha?" nakangiting bilin pa ni Perry sa akin. Halata ang pagod sa mukha ni Perry. Nagulat ako nang may iniabot siyang paper bag, na tiyak na pagkain ang laman. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Agad naman akong tinulungan ni Aling tour guide, s***h, time traveller, s***h nurse. Dapar lang 'no! Pangatawanan niya ngayon ang pagiging nurse niya. Bigla naman niya akong tiningnan, at saka pasimple akong inirapan. Bahagya akong napangiti. Nabasa na naman niya ang nasa isip ko. Binalingan ko si Perry. "S-Sabayan mo na ko," nahihiya kong sabi. "Mauna ka na," nakangiti niyang sagot, "ipapaayos ko muna 'yung kuwarto ni Lucas, para ipalipat ko na rin dun si Alex. At least hindi ka na mahirapan. Isang kuwarto na lang sila." "S-Sige." "Miss, paki-asikaso muna ng pasyente. May aasikasuhin lang ako," paalam ni Perry kay Aling tour guide, s***h time traveller, s***h nurse. Hindi ko napigilang mapangiti nang lihim kay Aking tour guide. Sinundan ko na lang ng tingin si Perry habang palabas ng kuwarto. Unti-unti nang bumabagsak ang harang na inilagay ko sa pagitan namin ni Perry. Hindi niya ako pinabayaan kahit kailan, kahit na binasted ko pa siya. Mas inuuna pa nga niya ako at ang mga kapatid ko, kaysa sa sarili niya. Araw-araw ay lalong napapalapit ang loob ko sa kanya. In fact, nasanay na yata akong kasama siya. Na laging nasa tabi ko. Na laging karamay ko. Naputol ang iniisip ko nang magsalita si Aling tour guide. "Nababasa ko na nagbabago na ang pagtingin mo kay Perry. Hindi maganda 'yan." Nilingon ko siya, at saka tinaasan ng isang kilay. "Ano na naman?" iritadong tanong ko sa kanya. "Hihintayin mo pa bang may mangyaring masama kay Perry?" "Hindi ko naman kapamilya si Perry, ah." "Hindi pa. Pero kung nagkakagusto ka na sa kanya, magiging malapit ka na sa kanya." Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Ayaw ko mang isiping totoo ang mga sinasabi ni Aling tour guide, pero hahayaan ko pa nga ba na may mangyari kay Perry, para malaman ko na totoo nga? "Hindi kita minamadali, Roxanne... pero kailangan mo nang magpasya agad at bumalik na sa 1945 sa lalong madaling panahon. Kailangan mo nang maging si Rosanna." Nakatitig lang ako kay Aing tour guide. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. . ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD