4 - LUCAS

1589 Words
"Perry...hindi mo na ako dapat isinama dito," sabi ko kay Perry. Nasa isang Italian restaurant kami ngayon para mag-dinner. Nagulat na lang ako nang dito kami dumerecho pagka-alis sa opisina. Ayoko mang tumuloy kanina pero nakapagpa-reserve na daw si Perry kaya pinagbigyan ko na siya. "Sino naman ang isasama ko? Wala naman akong alam na ibang pwede kong isama dito, bukod sa Mommy ko, kung hindi ikaw lang," bahagyang nakangiting tanong nito. "Hmmm... si Shiela. Tiyak na magugustuhan ni Shiela dito,"sagot ko kay Perry. "Sa tingin mo.... ako, magugustuhan ko siyang kasama dito?" sagot sa akin ni Perry, habang matiim na nakatitig sa akin. Hindi ko na nasagot si Perry dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko, anumang oras ay matutunaw ako sa kinauupuan ko. "Ikaw lang ang gusto kong kasama, Roxanne Evangelista Sta. Maria," banggit pa nito sa buo kong pangalan. Nagbaba ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha sa sinabi ni Perry. Shemay! Hindi ko mapigilang kiligin... Don't, Roxanne! Hindi pwede! "Eh, Perry..." Napakamot pa ako sa pisngi ko, para pagtakpan ang pamumula nito. "Pwede naman ako sa simpleng kainan lang diyan sa tabi-tabi. Iyong mga ganitong mga kainan, para sa mga VIP lang ito. For sure, ubos ang ipon mo dito." "Tama ka, Roxy. Kaya nga dito kita dinala kasi importante ka sa akin," confident na sagot nito. Na-bulls eye na naman ako! Bakit ba lahat ng sabihin ko ay may nakakakilig na pangontra itong lalaking ito? Inirapan ko si Perry, para pagtakpan naman ang kilig na nararamdaman ko. Naggalit-galitan ako kunwari. "Ewan ko sa yo, Perry. Wala kang alam biruin kung hindi ako!" In the first place, dapat wala akong maramdaman kay Perry. Hindi ako pwedeng mahulog sa bitag niya. Hindi pa ako pwedeng ma-inlove. "SALAMAT sa paghatid, Perry.... pero sana ito na ang huling pagsama ko sa iyo,"deretsang sabi ko dito. Nasa loob kami ng sasakyan niya habang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Nakita kong nalungkot ang mukha niya saa sinabi ko. Pero hindi ako pwedeng magpa-apekto! "Why? May nasabi ba ako o nagawang hindi maganda kanina sa iyo? Am I boring? Walang sense kausap? Mabaho ba ako? Ang hininga ko? Tell me." Bigla tuloy akong na-guilty. "Wa-walang problema sa 'yo, Perry. Ako-- I mean... wala pa kasi akong balak pumasok sa... ano kasi.... hindi ko pa priority ang lovelife ngayon. Breadwinner ako sa amin. Dalawang kapatid ko pa ang pinag-aaral ko. Magiging unfair lang sa magiging boyfriend ko kung hindi ko naman siya maisasama sa priority ko." Huminga nang malalim si Perry, habang matiim pa ring nakatingin sa akin. "Roxy... pwede naman akong maghintay. Just let me...." tila nagmamakaawang sabi nito. "Sorry, Perry... Buo na ang pasya ko,"matatag kong sabi dito. Kailangan kong panindigan ito. May obligasyon pa ako sa dalawa kong kapatid. Alam kong hindi magiging maganda kung may boyfriend pang aagaw sa panahon ko sa mga kapatid ko. "Roxy, look--" "Sige na, Perry. Umuwi ka na. Masyado ka nang gagabihin," putol ko sa sasabihin pa ni Perry, sabay bukas ko ng pintuan sa tabi ko at saka ako nagmamadaling bumaba sa sasakyan ni Perry. Pakiramdam ko kasi ay gusto ko pang makasama ngayon si Perry ngayon. Parang sa sandaling nakasama ko siya ay naging komportable na ako sa kanya. Sa ilang oras na naka-usap ko siya ay para bang bigla akong naging interesado sa kanya. Pero hinding-hindi ko pwedeng i-entertain ang mga nararamdaman ko na 'yun. Nagmadali akong humakbang para makalayo na sa pinag-iwanan ko kay Perry, pero nakakailang hakbang pa lang ako nang nakita kong humahangos na tumatakbo palapit sa akin si Alex. "Ate! Ate! Si Kuya Lucas!" malakas na sabi nito, at takot na takot. "Bakit? A-Anong nangyari?" "Tu-tu.mawag si Kuya Bernard..." sagot ni Alex, pero tila hirap itong sabihin ang dapat niyang sabihin. "Alex!" Ayaw ko mang sigawan ang kapatid ko pero pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa suspense sa pambibitin niya sa sasabihin niya, intensiyon man niya o hindi. Halata ko rin ang pamumutla ng mukha nito. Nakita kong lumunok muna nang malaki si Alex bago nagbuka ng bibig. "Nasaksak daw sa school si Kuya Lucas!" "A-Ano!!?? Nasaan siya ngayon?" nagpa-panic na tanong ko. "Sa S.A.N. Hospital daw dinala ng admin ng school. Andun pa si Kuya Bernard. Hihintayin ka raw niya doon." "Pupunta na ko," sabi ko kay Alex. "Sasama ako, Ate," sabi ni Alex. "Hu-huwag na. Dito--" "Please, Ate.... mag-aalala lang ako dito kay Kuya Lucas. Bukas ng umagang-umaga uuwi na rin ako. Promise!" pangungulit niya. "Hatid ko na kayo." Sabay kaming napalingon ni Alex. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin si Perry. Akala ko ay umalis na ito nang bumaba ako sa sasakyan niya. "Perry?? Ano... okay lang. Malapit lang naman ang S.A.N.--" "I insist, Roxy. Mas mabilis kayong makakarating kung may sariling sasakyan." "Sino siya, Ate?" tanong ni Alex na tila nakalimutan bigla ang lagay ni Lucas, habang namimilog ang mga matang nakatingin kay Perry. "Officemate ko. Ikuha mo muna ng mga gamit niya ang Kuya--" "Eto na," sabay taas ni Alex ng eco bag na kanina pa pala niya bitbit. "Oh, sige. Tara na," aya ko na kay Alex. TAHIMIK lang kami ni Alex sa biyahe. Samut-sari ang naiisip ko sa lagay ni Lucas. Kahit pilitin kong pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. Nagulat pa ako nang hawakan ni Perry ang kamay kong nakapatong sa hita ko. Nagdulot ito ng kuryente na gumapang sa braso ko. "Relax.... everything will be okay," sabi pa nito. Tipid kong nginitian si Perry. Kahit paano ay ipinagpapasalamat kong andito siya para i-comfort ako ngayon. "Perry, maraming salamat ha..." sabi ko sa kanya nang huminto na ang kotse niya sa hospital lobby, at saka ako bumaba na ng sasakyan niya. Nagmamadaling naglakad ako papunta sa information habang hila-hila ko ang kamay ni Alex. "Miss? Lucas Sta. Maria? Saan ko siya pwedeng puntahan? Kapatid niya ko. Kami," sabi ko sa nurse sa likod ng Information counter. Sandali akong tiningnan nito, at saka tumingin sa makapal na record book sa harap niya. "Nasa Operating Room pa Miss..." sabi nito nang mag-angat ng tingin, pero sa likuran ko nakatingin. Nagtataka man ay hindi ko pinansin iyon. Sinagot ko uli siya ng tanong. "Anong floor, Miss?" "Tara na, Roxy. Samahan ko na kayo." Napalingon ako sa likuran ko. "Perry??" Bakit nandito pa itong lalaking ito? Wala na akong nagawa kung hindi magpahila na lang kay Perry palayo doon. Anyway, kanina ko pa gustong-gustong makita si Lucas at malaman ang lagay nito. Sumakay kaming tatlo sa elevator. Si Perry na rin ang pumindot kung anong floor kami pupunta. Gustuhin ko mang magtanong kay Perry ay binalewala ko na muna ang mga katanungang iyon. Mas importante ngayon na makapagdasal ako na sana ay nasa mabuting kalagayan ang kapatid ko. Yumuko ako para tahimik sanang manalangin pero nadi-distract ako ng init ng katawan ni Perry na nasa tabi ko. Amoy ko din ang banayad na pabango nito. Tamang-tama lang. Hindi masakit sa ilong. Nakakapagtakang gabi na pero ang ambango-bango pa rin nito. Mamahalin kaya ang pabango niya? Ako kaya? Baka ambaho ko na?? Nang tumunog ang elevator na hudyat na nakarating na kami sa floor na bababaan namin ay doon lang ako parang nahimasmasan. Roxy??? Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip mo? Dahil kay Lucas kaya ka nandito! Tahimik na lang akong sumunod kay Perry nang lumabas na ito ng elevator. Ganundin si Alex. Naglakad kami sa pasilyo. Tila kabisadong-kabisado naman ni Perry ang pupuntahan namin. Kapansin-pansin din na halos lahat ng nurses na nadadaanan namin ay napapatingin at napapahinto sa kanya, pero derecho lang ang tingin ni Perry sa pasilyo. "Ate Roxy!" "Bernard..." Pansin ko agad ang mantsa ng dugo sa t-shirt nito. Bigla akong kinilabutan sa isiping dugo ni Lucas ang mga iyon. "Asan si Lucas?" biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko. "Nasa loob pa, ate...." sagot nito, sabay nguso sa katapat na kuwarto na may nakasarang double door. Sinundan ko ng tingin ang direksiyon, at nakita ko ang nakapaskil na 'Operating Room'. Muli akong bumaling kay Bernard. Hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng tingin nito sa katabi kong si Perry. Bakit ba kasi ayaw pa umuwi ng lalaking ito? Masyado na akong nakakaabala sa kanya. "Ano bang nangyari?" tanong ko kay Bernard. Si Bernard ay bestfriend ni Lucas. Mula Elementary ay magkaklase na silang dalawa. Doon nabuo ang pagkakaibigan nila hanggang ngayong magtatapos na sila sa kolehiyo ay hindi iyon natibag. Para na ring kapatid ang turing ko dito kay Bernard. "Napag-initan kami nung isang grupo ng fraternity, Ate Roxy. Matagal na kasi kaming inaaya ng mga 'yun na sumali sa kanila. Pero ayaw mo nga kasi kaming sumasali sa mga ganun, di ba? Akala namin ni Lucas, tinatakot lang nila kami kanina pero nagulat na lang ako nang bigla na lang saksakin ni Santi si Lucas," pagkukuwento ni Bernard. Kinagat ko ang ibabang labi ko para sana pigilang maiyak, pero dahil siguro sa sama-samang pagod, kaba, awa at galit na biglang bumangon sa dibdib ko ay hindi ko pa rin napigilan ang luhang kusang pumatak mula sa mga mata ko. Bakit may mga taong ganun? Bakit pati mga nananahimik na tao ay dinadamay nila sa kalokohan nila?? Napalingon kaming lahat nang biglang bumukas ang pintuan ng Operating Room, at lumabas ang isang doktor. "Dok, kumusta po ang kapatid ko?" Huminto sa paglalakad ang doktor, at saka ako hinarap. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Lord God, please... "Okay na ang pasyente. He survived. Pero need to observe him more." Thank, God! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD