Sa kotse ay nagtataka pa rin si Yves kung ano ang nangyari sa kaniya. "Bakit ba kasi, Therese? Bakit bigla kang nagyayang umalis?" "May nakita kong hindi ko dapat makita." "Ha?? Sino??" "Wala! Nakaaway ko lang dati." "Sayang tuloy yung food natin." "I'm sorry, Yves. Babawi nalang ako sa susunod." Mabuti na lamang at hindi na siya kinulit ni Yves at nanahimik na lamang ito. Sa bahay nila ay nagulat pa ang ina ng bumalik siya kaagad. "Anak, parang ang bilis mo naman yatang nakabalik." "Maraming tao, Ma. Kaya hindi na kami tumuloy ni Yves, wala kaming puwesto." "Totoo ba 'yan?" "Oho." SAMANTALA..... Sa eskwelahan nila ay nanghingi ng despensa sa kanya si Christof dahil sa nangyari noong gabing birthday ni Clint. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ito at sinabing wala na sa kaniy