KINABUKASAN ARAW NG LINGGO Tinanghali ng gising si Therese. Nang tingnan niya ang relong nakasabit sa kwarto niya ay ganap na palang alas-nuwebe ng umaga. Tinangka niyang bumangon ngunit kapagdaka ay napabalik ulit siya sa pagkakahiga dahil namimigat at masakit ang kaniyang ulo. "Hangover!" sa isip niya. Nakatulala siya sa kisame ng may marinig siyang tila nagkukuwentuhan sa ibaba. "Sino ang kausap ni Mama?" bulong niya sa sarili. Maya-maya pa ay narinig niyang nagsalita ang kausap ng ina. "Si Clint ba 'yon?" Maya-maya ay narinig niyang muli ang tinig. "Oh my God!! Si Clint nga! Teka, bakit siya nandito? Ano'ng kailangan niya? Hindi niya ko dapat makita ng ganito!" aniya saka nagmamadaling bumangon at tiningnan ang sarili sa salamin. Nagmamadaling tinungo niya ang banyo at kaag