Dalawang araw pa ang nakaraan magbuhat ng padalan siya ni Clint ng invitation at susuotin niya para sa kaarawan nito, ngunit hindi na nagpakita pa ni anino ng binata sa kaniya. "Hahaha. Nanawa siguro ang loko, naisip siguro na napaka-imposible ng gusto niyang mangyari." bulong niya sa sarili. "Anak, ano'ng gagawin ko sa mga ito?" tanong ng Mama niya habang hawak ang malaking kahon. "Bahala ho kaya, Ma. Itapon n'yo ho o kaya ipamigay niyo. Wala akong pakialam!" "Sayang naman anak, siguradong mahal ang mga ito." "E ano naman ho, Ma? Alangan naman hong suotin ko 'yan??" "Itatabi ko muna anak, baka sakaling magbago ang isip mo." "Sus! Hindi ho magbabago isip ko, Ma." "Okay, ikaw ang bahala." KINABUKASAN SA LABAS NG KANILANG PAARALAN "Hi Therese! Good morning!" si Clint na tila kanina