KINABUKASAN Maagang naghanda si Therese para sa pagpasok sa eskwela. Hindi niya maintindihan pero ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Hindi niya na rin inaabala ang sarili para lagyan ng kung anu-anong kolorete ang mukha. Napakasimple niya sa ayos niya ngayon. At dalagang-dalaga siyang tingnan. "Wow! Ikaw ba 'yan anak?" gulat na tanong ng ina pagkakita sa kanya. "Ma!" "Ang ganda-ganda mo naman ngayon ah!" "Ngayon lang ho??" pamimilosopo niya rito. "Maganda ka naman talaga anak. Pinipilit mo lang itago." "Hindi ko na itatago ngayon, Ma. Sawa na akong mag-makeup." "Talaga ba? Aba't ano'ng nakain mo anak? Alam ko na! May pinagpapagandahan ka na siguro no?" "Ma! Wala ho!" "Sus!" "Wala nga ho. Kayo talaga, kung anu-ano na naman ang iniisip n'yo." "Pero alam mo ba anak, kung magkatao