"Anak, halika na. Nakaalis na silang lahat. Hinihintay na tayo nila Kyla sa kotse." "Mauna na ho kayo, Mama. Dito ho muna ko. Mag-ta-taxi na lang ho ako pauwi." aniya na nakaupo pa rin sa harap ng puntod ni Yves. "Sigurado ka anak?" "Oho." "S-sige, mag-ingat ka pag-uwi, anak." anang Mama niya na naiintindihan ang kaniyang nararamdaman. Marahan lamang siyang tumango. Maya-maya pa ay iniwan na siya nito. Nang mapag-isa ay walang sabi-sabing pumatak na naman ang mga luha niya. Hindi pa rin niya tanggap na wala na ang kasintahan hanggang ngayon. Parang kanina lang ay masaya pa sila nito ngunit ngayon ay naka-libing na ang binata. "Hon, miss na miss na miss na kita. Pa'no na ko ngayon? Hindi ko alam kung paano ako magsisimula na hindi na kita kasama." umiiyak na kausap niya sa puntod ng