"Bes, parang ang bilis mo naman yata masyado?" "Okay na ko, bes. Napatdan na yung gutom ko." "Where's Clint?" "Naiwan pa. Ang bagal kumain e." "Ows? Something happened ba?" "Nainis ako. Bumabalik na naman sa nakaraan." "Bes hindi mo pa ba talaga kayang patawarin 'yung tao?" "Napatawad ko na siya noon pa, bes. At si Yves ang nagturo sa akin kung pa'no gawin 'yon. Pero hindi ko na siya kayang kausapin just like before." "Hay! Okay. Mamaya mamilit na naman ako, magalit ka na naman sakin." Pagkalabas ni Kyla ng opsital ay talagang naging hands-on ito sa anak. Madalas itong tumawag sa kaniya lalo na kapag may itatanong sa Mama niya tungkol sa pag-a-alaga ng bata. Siya naman ay naging abala na sa pagtatrabaho. Mababait ang mga officemates niya at lahat ay kasundo niya. Na siyang naging