Nagulat man ang pamilya ni Clint sa bilis ng mga pangyayari, tuwang tuwa naman lalo na ang Mama nito ng malaman na magpapakasal na sila. "Hija, I'm so glad na nakita kita ulit. And so happy na finally, magiging anak na kita." anito sa kaniya ng mamanhikan ang mga ito sa bahay nila. "Salamat po." matipid na sagot niya. "Hijo, teka saan n'yo nga pala balak magpakasal?" "Kahit saan ho gusto ni Therese, Mama." "Hija, may napili ka na bang venue?" "Civil wedding lang ho sana ang gusto ko." "H-ha?? Pero b-bakit hija? Ang tagal nating hinintay ang wedding n'yo kaya dapat ay engrande." sabi pa ng ginang. "Ma, hayaan na lang ho natin si Therese sa mga gusto niya. Siya ho dapat ang masunod dahil siya naman po ang ikakasal." "O siya sige, payag na ako. Kahit ano'ng gusto mo hija." "Salamat