*Rosallie's POV* "Handa na ang lahat. Pwede na kayong magsimula pag handa narin kayo." Sabi sa amin ni Headmaster. Nagkatinginan muna kaming magkakaibigan pagkatapos ay tumango sa kanya. Iniwan naman niya ulit kami at bumalik sa hanay nilang mga Warriors. Naroon din ang lahat ng Heads namin at maging sila papa, Kuya Simon at ilan pang Elites. Habang kaming lima naman nila Teresa ay nasa gitna ng Fields kasama sila Kaeden. Ito na ang ikaapat na araw mula ng sinabi sa amin ni Headmaster ang tungkol sa paghina ng mga kapangyarihan naming ibinalot sa ikaapat na portal. At ngayong nakatayo nga ako sa pinakailalim kung saan namin huling nakita iyon ay ramdam ko ang papahina ng kapangyarihan namin ganun din ang kay papa. Ramdam ko rin ang kakaibang Aurang ibinibigay ng portal at sa bawat pag

