*Rosallie's POV* Nakita kong nabalot ng tensyon ang katawan ni Headmaster at bahagya siyang bumaling sa kakambal ni Tin ng hindi inaalis ang sandata niya sa leeg ko. Nagpatuloy naman sa mabagal na paglapit ang kakambal ni Tin. At parang hindi niya rin alintana ang kaguluhan sa paligid niya dahil sa walang pagmamadaling kilos niya. Kinakabahang inalis ko ang mga mata ko sa kanya at tiningnan si Headmaster, saglit ko ring nakita ang pagkilos niya para harapin ang kakambal ni Tin, ng biglang may dumaang kapangyarihan sa harap namin at sumabog. Awtomatiko kong iniharang ang mga braso ko sa mukha ko at mariing pinikit ang mga mata ko. Pero agad din akong nagmulat ng mga mata at tiningnan ang lugar kung saan tumama ang atake. Nasa harap ko pa din si Headmaster, pero sa gitna niya at ng kaka

