*Rosallie's POV* "Kaeden. Kaeden!" Narinig kong tawag sa akin sabay ng malakas na yugyog sa balikat ko. Mabilis akong nagising mula sa pagkakatulog at tumingin kay mama. Halos mapabalikwas din ako ng bangon sa paraan niya ng pagkakagising sa akin. "Po? Bakit po?" Medyo lutang ko pang tanong sa kanya. Sandali rin bago tuluyang nawala ang bahid ng antok sa utak ko at nagawa kong makita ang nagpapanick na itsura niya. "Tumayo ka Kaeden. Bilisan mo! Kailangan nyong makaalis dito!" Mabilis na sabi niya at halos hilahin ang anim na taon gulang lang na katawan ko mula sa kama. Mabilis akong sumunod sa kanya kahit pa gulong g**o ako sa totoong nangyayari. Kumakabog na rin ang dibdib ko sa kaba dahil sa ikinikilos ni Mama. "Ano po bang nangyayari?" Tanong ko pa at tiningala siya. Mahigpit niy

