*Rosallie's POV* Magkahawak ang mga kamay namin ni Kaeden habang naglalakad papunta sa Administrator's building. Kalat na ang dilim sa paligid at sa tantya ko ay tapos narin ang dinner sa Cafetria. Ilang sandali na lang ang natitira para sa usapan naming magkakaibigan. Kaya minabuti na namin ni Kaeden na lumabas ng gubat at bumalik sa Academy. Halos buong araw din kaming nasa loob nun, tahimik at kontentong kasama ang isat isa. Hindi ko rin pinasukan ang mga klase ko maghapon, maging si Kaeden ay ganun din. Hindi rin kasi sya umalis sa tabi ko kahit ilang beses ko sinabi sa kanyang ayos na ang pakiramdam ko. Mukhang ramdam din niya ang bigat ng loob ko. At kahit alam kong may mga tanong siya sa akin ay mas minabuti nyang manahimik at hayaan muna ako sa pananahimik ko. "Gutom ka na si

