*Rosallie's POV* "Ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Kuya Simon. Huminto ang kamay kong may hawak ng tinidor at mabigat ang loob na bumaling sa kanya. His eyes were full of concern as he looked at me. At nakita ko ring sinulyapan nya ang pagkaing halos hindi ko nagalaw mula ng maupo kami dito sa Cafetreria. Parang gusto kong mapabuntong hininga para maalis ang pamimigat ng dibdib ko. Pero alam ko na kahit ano pang gawin ko ay hindi yun mawawala. Sa halip na mapalabi ay pinilit kong ngumiti sa kanya. Itinago ko rin ang lahat ng nararamdaman ko sa loob ko at nagpanggap sa harap niya. I pretend that I'm okay. Pero ang totoo ay halos hindi na ko makahinga sa sakit na nararamdaman ko. "Oo, Kuya. Ayos lang ako." Sagot ko at tipid na nginitian siya. Nakita kong kumunot ang noo niya at mu

