*Rosallie's POV* "Dun tayo." Sabi ni Kuya sa akin at marahang itinulak ang likod ko para magsimula akong maglakad. Inalis ko naman ang namamanghang tingin ko sa kabuuan ng silid kung nasaan kami at nagpatangay sa kanya. Pinaupo nya ko sa upuang nandoon habang sumandal siya sa gilid ng bintana katabi ko. Si David naman na sumunod sa amin ay umupo sa upang katabi ng sa akin. Isa isa ding naghanap ng mauupuan ang mga kasama namin. At kanya kanya silang umupo sa nga mamahaling upuan na nasa silid. Medyo napangiti din ako ng makitang halos mapanga-nga din ang mga Novice at Advance na kasama namin habang nililibot ng tingin ang magarang classroom ng mga Elites. Dito kasi kami pinulong ni Clynne ngayong umaga para masimulan na ang pagplaplano sa kung ano man ang gagawin namin sa Guild Tourn

