*Rosallie's POV* Mabilis na binitawan ako ni Xavier at hinila ang nashock na sila Shiela at Julynna. Pagkatapos ay agad siyang pumagitna sa aming tatlo at ng tatlong miyembro ng Guild Zion. Nakita ko rin ng gamitin niya ang void sa loob niya at tawagin ang elemento ng apoy. Pagkatapos ay gumawa siya ng wall of fire para pigilin ang pagabante ng mga kalaban. Mabilis din siyang lumingon sa aming tatlong mga babae. "Run. Gamitin niyo ang Sand Storm para makapagtago. Sa ngayon halos natalo na ng mga kasama natin ang ilan sa kanila. Huwag nga lang kayong masyadong lalayo para hindi kayo mapasali sa laban nila. Hindi ko kayang pigilan silang tatlo. Pero susubukan kong pabagalin sila. Go!" Nagmamadali pang utos niya. Mabilis na inalalayan akong tumayo nila Shiela at Julynna pagkatapos ay naga

