*Rosallie's POV* Unti unti akong nagmulat ng mga mata at saglit na tinitigan ang puting pader sa harap ko. Nakatagilid ako sa kanan ko at ramdam ko ang matigas na bagay na hinihigaan ko. Saglit akong natigilan at bahagyang kumunot ang noo ko ng magsimulang magproseso ang utak ko. Matigas? Hindi naman matigas ang kama ko ha? Nahulog ba ko sa sahig? Tanong ko pa sa sarili ko at dahan dahang kumilos para tingnan ang paligid ko. Umupo ako at inikot ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako. Pero sa ipinagtaka ko ay wala din akong makita kundi purong puti. Saglit pang kumabog ang puso ko at kinakabahang hinawakan ang mga mata ko. Bulag na ba ko? Bakit puti lang ang nakikita ko? Anong nangyari sa mga mata ko? Medyo nagpapanick pang isip ko. Pero kung nabulag ako, hindi ba dapat itim ang

