*Rosallie's POV* Naramdaman ko ang unti unting paghina ng kapangyarihang nakapaikot sa akin. Ganun din ang pagtapak ng mga paa ko sa solidong sahig. Sinubukan kong magmulat pero mabilis ko ring ipinikit ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na liwanag na nakabalot parin sa akin. Naitakip ko rin sa mga mata ko ang mga braso ko at pinakiramdaman ang paligid ko. At ng masigurado kong nawala na nga ng tuluyan ang kapangyarihang nakabalot sa akin ay unti unti ko ulit binuksan ang mga mata ko. Dahan dahan ko ring ibinaba ang mga kamay ko habang inaadjust ang mga mata ko. At ng tuluyang maging maayos ang paningin ko ay ganun nalang ang pagtataka ko ng makita ang lugar na kinalalagyan ko. Dahan dahan din akong umikot para tingnan ang paligid ko pero kahit saan ako tumingin ay puro namumulaklak

