*Rosallie's POV* "Kinakabahan ka ba para mamaya?" Tanong ni Kuya Simon sa nakaraang Aislynn. Nanatili siyang nakasandal at nakahalukipkip sa isa sa mga haligi ng gazebo kung nasaan kami. Habang nasa kabilang gilid naman si Xavier. Itinabi ng nakaraang Aislynn ang lirang hawak niya at tiningnan si Kuya Simon. Pagkatapos ay umiling siya at ngumiti. "Hindi. Isa pa, kasama ko naman sila Emmeline kaya wala naman akong dapat na ikakaba." "Pero makikita mo ulit ang council. Hindi ba at hindi mo gustong makausap o makaharap man lang sila?" Tanong naman ni Xavier. Napabuntong hininga ang nakaraang Aislynn bago sumagot. "Wala naman din akong magagawa. Taon taon ay kailangan naming lima na humarap sa kanila at mag-ulat. Kaya kahit hindi ko gusto ay kailangan ko paring gawin. Tungkulin ko yun." S

