*Joie's POV* "Good news!" Agad na sabi ni Teresa ng makarating sa mesa namin ni Jeanine. Naihampas pa niya ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng mesa dahilan para mapaigtad kami pareho ni Jeanine mula sa pagbabasa ng mga libro. Pati sila Sean at Yael na tahimik na nagbabasa ng aklat sa tabi namin nagtatakang bumaling din sa kanya. "Naman Tere! Huwag ka ngang nangugulat!" Mahinang at medyo gigil na saway ko sa kanya. Lalo lang lumawak ang pagkakangiti niya at nagkibit balikat. "Sorry..." Paumanhin niya pero wala sa tono niya ang sinseridad sa paghingi ng tawad. "Ano ba ang ibabalita mo at parang ang saya saya mo?" Nakangiti namang tanong ni Jeanine sa kanya. Bahagya pa niyang itinabi ang libro sa harap niya at itinutok ang buong atensyon sa kaibigan namin. "Ganito kasi yun...." Pasimu

