*Sean's POV* "Ayos ka lang ba, Joie?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot doon. Ramdam ko kasi kung gaano kabigat ang loob niya gamit ang bond namin at kung paano siya naprepressure ngayon sa magkakasunod na problemang kinahaharap niya. Sa paghahanap sa portal, sa pagaalala kay Sallie at sa napipintong Acceleration Exam. At kahit gusto ko syang tulungan at alisin lahat ng bumabagabag sa kanya ay wala naman akong magawa kundi ang suportahan lang siya at alalayan siya sa lahat ng ginagawa niya. Huminto siya sa tabi ng malaking puno at sumandal doon. Pagkatapos ay nagbuntong hininga. Mukhang hindi rin niya napapansin ang paligid niya sa lalim ng iniisip niya. Hindi niya rin alintana kung gaano kadelikado ang masukal na parte na to ng gubat. Dahil nagawa pa niyang huminto sa ka

