*Joie's POV* Maingat at alerto akong naglakad sa makipot na daan ng higanteng labyrith. Dahan dahan din ang lakad ko habang nakikiramdam sa paligid ko. At alertong sinusuyod ko ng tingin ang paligid ko. Hindi ko alam kung sinadya ba ng mga namamahala ng Exam ang biglaang pagbaba ng temperatura sa lugar na ito o dala lang yun ng pagkakatakip ng mga naglalakihang pader sa sinag ng araw. O baka naman dahil mismo sa kabang nararamdaman ko kaya pakiramdaman ko ay malamig ang paligid ko. Medyo madilim din ang paligid kaya hindi ko maiwasang kilabutan at kabahan. Hindi pa nakatulong na sobrang tahimik din. Kung hindi ko nga lang nakita ang mga estudyante at mga kaibigan ko kanina, aakalain ko talaga na ako lang ang nasa loob ng labyrith na to. Siguro ay gaya ko, nagiingat din sila at nakiki

