*Joie's POV* "I'm here...." Sabi ni Sallie at nakita ko ng hilahin niya ang palaso niya at humanda sa pagatake. "......To kill you." Dagdag pa niya at tuluyang pinakawalan ang palaso niya papunta sa akin. Muli yung tumama sa ginawang harang ni Avira. At ng sumabog yun ay halos mapaatras ako sa pagkagulat. Pero di gaya kanina, kakaibang usok ang nilikha nun at ng tingnan kong mabuti ay halos manlaki ang mata ko habang nakikita kong tila pinagyeyelo ng usok na yun ang harang ko. Unti unting tinabunan ng kulay asul na usok ang berdeng harang ko hanggang sa makita kong tila salamin na nagyelo na ito. Joie!! Sigaw ni Avira sa loob ng isip ko. Napaigtad naman ako at wala sa loob na tumingin kay Sallie. At sa kabila ng tila salamin sa harap ko ay nakita kong nagpakawala ulit siya ng palas

