*Sean's POV* I pulled myself back from Joie's mind to my own body. Pagkatapos ay nagdilat ako ng mga mata at tumingin sa mga kasama ko sa silid. Nasa Great Library kaming lima nila Yael, Marvin, Jared at Kaeden. At sinusubay-bayan ang nangyayari kela Joie sa pamamagitan ng mga bond namin. Nakaupo kami isa isa sa limang silyang nakapaikot sa isang mesa. Malapit din kami sa isang nakabukas na bintana at nakahiwalay kami sa karamihan ng mga estudyanteng nasa loob din ng library. Hindi ko alam kung dahil lang sa antas namin bilang Elites o dahil sa aurang inilalabas namin ngayon kaya ilag ang mga kaeskwela namin. Marahil ramdam nila na hindi namin gustong magpaistorbo ngayon kaya hinahayaan lang nila kami at sila na mismo ang lumayo sa pwesto namin. Paminsan minsan ay curious na napapatin

