*Joie's POV* "Kamusta?" Tanong sa akin ni Jeanine pagkaupong pagkaupo ko sa napili nyang pwesto sa Cafeteria. Nasa gitnang parte na kami ng silid, kung saan nakaupo ang Advance class na kinabibilangan na namin mula kahapon ng mapasa namin pareho ang Acceleration Exam. Hindi ko mapigilang mapangiwi ng kumirot ang balikat ko sa pagupo ko pagkatapos ay tiningnan siya. Nagaalalang nakatingin naman siya sa akin. At sumulyap pa siya sa nasaktang balikat ko. "Hindi ka pa ba pumupunta sa Clinic?" Tanong pa niya. Umiling ako at pinagmasdan ang itsura nya. Pareho na naming suot ang mga bago naming uniporme. Wala namang masyadong nabago doon maliban sa linya sa lining ng sleeves at lapel ng mga blazer namin. Ganun din ang kulay ng badge namin. Kung dati kasi ay bronze ang mga iyon, ngayon ay ku

