"Good morning," bati ng aming homeroom teacher pagpasok niya. "Wala tayong klase ngayon at ng iba pang teacher sa buong araw. May biglaang seminar kasi kaya papauwiin na namin kayo. Na-message na rin namin ang mga magulang ninyo kaya umuwi na kayo pagkalabas n'yo at 'wag na kung saan-saan magsususuot." "Yes, Ma'am!" masiglang sagot ng mga kaklase ko dahil walang pasok ngayon samantalang ako ay tumango lang. Natutuwa rin naman ako na walang pasok, hindi naman ako killjoy. Ang kaso lang kasi, sana kung ganito, maaga pa lang o kahapon pa lang sana nag-abiso na sila na walang klase hindi iyong nagpakahirap pa kaming gumising ng maaga para pumasok tapos cancel naman pala. Para silang weather forecast eh, kung kailangan bumabagyo na at nasa school na saka magka-cancel ng klase. Tsk! Mabilis