"Bakit ang aga namang sambakol ng mukha mo, sir?" tanong ni Rica. Nakapasok na pala s'ya dito sa loob ng opisina ko ng hindi ko napapansin. Malayo na ang narating ng utak ko. Inilagay niya sa harapan ko sa ibabaw ng lamesa ang isang tasa ng umuusok na kape. "Baka kahit papaano gaganda ang mood mo dahil sa kape," nakangiti na sabi niya. Naupo s'ya sa silya sa unahan ng lamesa ko. "Thank you," sabi ko at ngumiti ng bahagya sa kanya. Wala talaga ako sa mood at wala rin ako sa sarili noong sabado pa. "May nangyari po ba kaya kayo ganyan? May kinalaman po ba iyan sa hindi n'yo pagpasok noong biyernes?" tanong ni Rica. Nakatingin s'ya sa akin ng mataman. Tumango ako. "Yes. Nag-away kasi kami ni Miel." "Nag-away na naman kayo?" nakataas ang kilay na tanong niya. "Hindi pa nga kayo nag