"Anak, ready ka na ba?" tanong ni Mommy sa akin. Nakaupo na ako sa kama ko ngayon dahil lalabas naman na ako ng ospital ngayong araw. Hinihintay lang namin ma-process ni Gael ang mga dapat bayaran. Si Daddy naman lumabas lang saglit dahil may kausap sa kanyang cellphone. "Yes po Mommy. Excited na nga po akong umuwi," sagot ko at ngumiti ng bahagya sa kanya. Hindi ko pa alam kung paano kikilos sa harap nila ni Daddy pagkatapos kong malaman na alam na nila ang tungkol sa amin ni Gael kahit pa nga ilang araw na ang nakakalipas. Actually, ngayon lang yata kami naiwan sa kwarto na ito na kami lang dalawa kaya medyo awkward ang pakiramdam ko. Kinuha ni Mommy 'yung kamay ko na nasa ibabaw ng lap ko at bahagyang pinisil habang nakangiti sa akin. "Anak, hindi mo kailangan maging awkward sa a