"Anong oras alis n'yo?" tanong ni Mommy. Nandito kami sa dining area at kasalukuyang nag-aalmusal. "Ngayon din pong umaga Mommy," sagot ko. Dinig ko ang pagbuntong-hininga nitong katabi ko na tutol na tutol sa pagpunta ko sa presinto para dalawain si Anton at para na rin iurong ang kaso. Hindi n'ya gusto ang idea na pupuntahan ko pa si Anton, eh iuurong ko na nga ang kaso. Alam ko naman na kahit pumayag na s'ya sa plano, labag pa rin iyon sa kalooban niya. Ayaw rin sana ng parents ko pero pumayag rin naman agad sila pagkatapos kong ipaliwanag ang punto ko kung bakit gusto kong gawin iyon. "Problema mo, hijo?" tanong ni Daddy kay Gael. Mukhang hindi lang ako ang nakarinig ng pagbuntong-hininga niya kanina, isama pa ang itsura niya ngayon na simangot na simangot. Gusto ko na ngang m